"Ano?! Hindi siya ang lalaking bartender nang gabing 'yon?!" I rose from my seat. Nagsayang lang pala ako ng luha kagabi. Sumakit pa ang mga mata ko kanina pagkagising dahil sa lintek na alak! Naka-shade tuloy ako habang kausap si Atty. Crisval. Para lang malaman na hindi si James ang bartender noong February 15!
"Oo. Pinalitan ni Juan Marlon ang bartender eight years ago." Ang lalaking 'yon! May pa James-James pa siyang nalalaman! Juan Marlon lang pala ang totoong pangalan niya! Ang bantot!
"How so sure are you na hindi siya nagsinungaling?"
"Inipit ko na. Mukhang nagsasabi siya ng totoo. Tsaka may anak at asawa siya. Matinong tao. Tinapatan ko siya ng pera para sabihin ang mga alam niya pero nagsabi siya at hindi tinanggap ang pera ko."
I slithered the sliding door and went to my veranda.
"Ano naman ang napala mo? Anong sinabi?" Naiinis pa rin ako! I had wasted my effort just for nothing!
"Sinabi niyang pinalitan lahat ng mga club personnel eight years ago at kasama siyang pumalit. Nobody knows why. And the preceding personnel were unnamed. Almost three years na simula noong pinalitan ulit sila dahil sa kaso nga ni Hashim. Nagalit daw si Zorina na walang naipakitang CCTV footage ang mga surveillance men sa mga detectives pero alam naman natin ang rason." That evil-minded witch!
"Talagang wala siyang hinayaang manatili na mantsa sa damit niya." My shoulders languid while my jaw clutched.
"Kamusta naman ang usapan ninyo ng defense attorney?"
"It went well." Sumandal ako sa glass wall. "Hinahanda niya na ang petition para umapila sa Korte. Kakausapin niya si Hashim." The cold breeze hugged my body. Tumitibok ang sentido ko sa sakit ng ulo. Ngayon ko lang naramdaman ang hangover.
"Mataas daw ba ang pag-asa na payagan ng korte na buksan ang kaso?"
"That's for sure. Kahit ang judge daw ay nagtaka sa plea ni Hashim samantalang marami raw butas na nakita," tugon ko habang nakapikit anf mga matang minamasahe ang sentido.
"By the way, dikitan mo si Zoreen." Napamulat ako at umayos ng upo.
"Why?" Hindi ko man nakita ay alam kong malapit nang magdikit ang pareho kong kilay.
"Just do it. At least, for one or two weeks. Tatawagan kita kapag nagawa mo na."
"Kailan—! Hello?! Salem!" Shit! Ang bruho binabaan ako! Ano naman ang gagawin ko sa brat na 'yon?
Kahit na hindi ko alam kung bakit pinagawa ni Salem sakin iyon ay ginawa ko pa rin. Nagmukha tuloy akong stalker na inaalam ang mga lakad niya nang palihim. Hindi madaling lapitan ang isang Coasa kaya humanap ako ng magandang timing para magkasagupaan ang landas namin.
Sinalubong ko ang bata na kumawala sa Yaya niya. "Hi, where is your mom?" Lumuhod ako at hinawakan sa magkabilang balikat ang bata. Kamukhang-kamukha niya si Zoreen.
"Zid!"
Tumayo ako nang nakalapit si Zoreen samin. "Nadapa siya."
"Oh, are you alright, baby?" nag-aalala niyang tanong sa bata habang nirepaso ang katawan nito. I couldn't help but feel envy. "Thank you, Miss— Ate Hari?" I smiled at her when she recognized me.
"Zoreen. Anak mo?" Nahihiya siyang tumango. "Ilang taon na?"
"He's four." Nakangiti niyang pinagmasdan ang anak niya.
"I'm happy for you. Naunahan mo pa ako. Nasaan ang daddy niya?" Tumigas ang mukha niya sa tanong ko.
"Hiwalay na kami. That womanizer bastard," mariin niyang usal. Iniisip ko. Paano kung nabuntis ako nang gabing 'yon? Ano kaya itsura ng anak ko ngayon? Lalaki kaya? Kamukha niya kaya ako o kaya ang tatay niya? I had realized it now. There was actually a big blank space in my life. Ang laki pala ng kulang sa buhay ko ngayong nakita ko ang mag-inang 'to.
BINABASA MO ANG
BDSM SOCIETY: Convicted To You
Romance"Go on, whip me...until you came." "I won't be gentle, Hari." "Be harsh to me, then." When giving your everything for the one you loved, Hari was downright wrong for thinking that it will be enough to make her loved one stay. After all the sacrifice...