"Oh, nandito na pala ang bagong honeymooners! Kailan ang kasal?" nakangising pang-aasar ni Salem pagkarating namin sa compound. We just arrived yesterday and chose to come here just now. Hinila niya ako paupo sa tabi niya at inakbayan. "Kamusta?"
"Pwede ba? Nagbakasyon lang kami."
Siniko ko siya habang masama naman ang tingin na ipinukol ni Hash sa kaniya at sa kamay niyang nasa balikat ko pero hindi nagpatinag si Salem. His grin widened and even pinched my shoulder blade.
Tumayo si Hash at nagpunta sa ref. "Ang bango mo, Hari!" pasigaw na komento ni Salem habang inamoy-amoy ang buhok ko.
"Ano ba, Salem!" inis kong saway sa kaniya at tiningnan siya ng masama. "Are you high?!" Asar na inalis ko ang braso niyang nasa balikat ko.
Nanlilisik ang mga mata ni Hash na lumapit samin. "What the fuck did you say?!"
Nang-aasar na ngumisi si Salem at tumunghay sa kaniya. "Hey, dude. You're here," walang pakialam niyang sabi na para bang nakakita lang siya ng kakilala sa daan at kaswal na binati ito.
"Back off, Salem. You're such an annoying bastard!"
"Ouch!" Napahawak siya sa sarili niyang dibdib acting like hurt to what Hashim said. Akmang susuntukin siya ni Hash pero may mga pumasok.
"Hashim!" Dumating ang ibang mga Herodes at tinawag si Hash. Tinapunan muna niya si Salem ng nakamamatay na tingin bago lumapit sa iba.
"Baliw ka talaga!" saway ko habang sinusundan ng tingin si Hash papunta kina Zahir.
"Grabe. Pinaglilihian mo na agad ako." Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang ang gago. "Ayaw mong nalalaman na nagseselos siya? Ayun, pakakasalan ka na n'on." Humalakhak si Salem dahilan upang masama ang tingin na nilingon siya ni Hash. "Masaya ako para sa'yo."
"Para sakin? O para kay Hash?"
"S'yempre, para sa'yo. Anong pakialam ko sa baliw na 'yon?" His eyes sparkled with happiness as he watched them talking. Nakangiti siyang lumingon sakin. "Look at you. Even your eyes beamed at me muttering 'thank you'. Ibang-iba noong nasa kulungan pa si Hash."
My eyes softened to his sincerity. Ngayon ko lang nalaman na concern pala siya sa nararamdaman ko. "Bakit? Ano bang pinagkaiba noon?"
Hinagod niya ng tingin ang kabuuan ng mukha ko. "Noong nasa kulungan pa si Hashim. Kahit ngumingiti ka ay hindi mo pa rin naitatago ang lungkot d'yan sa mga mata mo. Pero ngayon, kahit pawis sa noo mo naririnig kong tumatawa."
I laughed at him. "You, exage bastard!" Pinalo ko siya sa balikat, still laughing. "Why are you doing this?"
"Hindi mo ba alam?" pa-suspense niyang tanong. "You're my standard when it comes to women. What's wrong in helping my ideal woman to be happy?"
Gulat akong napatitig sa kaniya. "I'm your ideal woman?" I pointed myself and blinked countless times. He helped me because I was his rubrics for a woman and not because Hashim was his friend?
"That's right!" Tumango siya saka tumawa. "My ideal type for a woman. And your ideal will never meant for you and just forever a walking model for a certain woman of your type," he said while smirking and voice hinted with bitterness. I couldn't believe it. Ako ang pamantayan niya sa mga babae. "Kaya kapag may nakikita akong katulad mo, auto-iwas na ako."
Sabay kaming tumawa dahilan upang kunot ang noo na lumingon si Hash samin. Umiling nalang ako at ngumiti sa kaniya.
Dahil balik na kami sa ciudad ay balik na rin kami sa realidad. I got busy with the shop and Hashim suggested that I should move into a more spacious place as the orders got higher and my products were more in-demand. 30 percent of my customers were walked-in while the 70 percent were online customers. Mas mabigat ang mga orders at unti-unti akong nakikilala sa market dahil social media ang root ng business ko. And most of them were loyal. They referred me to someone they knew.
BINABASA MO ANG
BDSM SOCIETY: Convicted To You
Romance"Go on, whip me...until you came." "I won't be gentle, Hari." "Be harsh to me, then." When giving your everything for the one you loved, Hari was downright wrong for thinking that it will be enough to make her loved one stay. After all the sacrifice...