"Nana Martha! Nana Martha!" sigaw niya mula sa kwarto. Maliligo na siya at kailangan na nitong maghanda ng susuotin niya.
"Good morning, Ma'am Hari. May kailangan po kayo?"
Awtomatiko na uminit ang ulo niya nang narinig ang boses nito.
"Hindi ikaw ang tinatawag ko! Si Nana Martha!" bulyaw niya rito. Ang aga-aga ay pinapainit ng nurse ang ulo niya.
"Alam ko pong siya ang hinahanap niyo pero wala po siya rito kaya ako na ang nag-volunteer. May kailangan po kayo?" Kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang nakangiti ito. Sa tono ng boses ng nurse niya ay halata ang tuwa na nakikita siyang nagagalit.
"Hindi na. Mamaya nalang pagdating niya. Paakyatin mo siya pagkarating," malditang utos niya saka bumalik sa kama.
"Pero, Ma'am—"
"What?!" inis na angil niya.
"Wala na po si Nana Martha. Nagkasakit po siya kaya dinala siya pabalik ng mommy niyo sa Cebu."
"What?!" Napatayo siya sa narinig.
"Ang sabi ko po—"
"Tang ina mo talaga!" malutong na mura niya dahil alam niyang uulitin lang nito ang sinabi.
"Gusto niyo po ng juice, Ma'am?" Her jaw tightened. Damn! Said na said na ang pasensya niya sa lalaking ito.
"Get the fuck lost!" mariin niyang pagtataboy dito. Her fucking nurse was so fuckingly annoying! Ito ba ang lalaking ito ang makakasama niya sa bahay?
"Okay po, kukunin ko na ang juice."
Kinapa niya ang unan at tinapon. "Ugh!" Paano na siya ngayon? Sino ang maghahanda ng mga damit niya sa pagligo? Who would prepare her undies and bra? That annoying bastard nurse? No fucking way!
"Ma'am, ito na po—" Kinapa niya ulit ang unan at tinapon sa pinanggalingan ng boses.
"Get the fuck out! Get lost!" galit niyang sigaw. Nanggagalaiti siya at hindi niya alam kung saan ibabaling ang galit. Narinig niya ang pagsara ng pintuan at agad na tumulo ang luha niya.
"Damn you!" Hindi niya alam kung sino ang sinusumpa niya. Humahangos siya sa galit. Puno ng pagsisisi at hinagpis ang kaniyang puso.
Tumayo siya. Sinubukang kapain ang daan papuntang banyo ngunit nabangga siya sa kanto ng mesa dahilan ng kaniyang pagkatumba.
"Ugh!" She went berserk. "Ahhh! Fuck you!" Hinawi niya ang mesa at nagwala. Sumipa siya sa kung saan. Sumuntok sa kahit saan. Wala siyang pakialam kahit na nasugatan na siya o mabalian man ng buto. She just wanted to get this crazy frenzy out of her heart.
"Hajae!"
"Get out! Leave me alone!" Niyakap siya ni RD at pinigilan ang mga kamay. "Let go of me, you! Fucking bastard!" Pilit siyang nagpumiglas ngunit mahigpit siyang yakap ng lalaki mula sa likuran.
"Tama na..." malungkot na bulong nito. "Enough..." His baritone voice broke but she's miserably in grief enough not to notice him.
"Let go, RD... Let me hurt myself! I needed this...please! I needed to feel the pain! Let go..." Nanghihina siyang umiyak. "Hayaan mo na ako...please..." pakiusap niya habang nanghihinang tumatangis. Pareho silang bumagsak sa sahig.
"Ako nalang ang saktan mo... Huwag na ang sarili mo... I'm more than willing to be your masochist. Just don't hurt yourself..." He kissed her hair. Tears fell off his eyes, silently sharing her grief, still hugging her tightly.
"Bakit ganoon? Bakit kailangang ako ang mawalan?" Her shoulder trembled, struggling to get away from his tight embrace.
"Ilabas mo lang... Kailangan mong ilabas..."
BINABASA MO ANG
BDSM SOCIETY: Convicted To You
Romance"Go on, whip me...until you came." "I won't be gentle, Hari." "Be harsh to me, then." When giving your everything for the one you loved, Hari was downright wrong for thinking that it will be enough to make her loved one stay. After all the sacrifice...