Prologue

30.1K 411 15
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

WARNING: Some chapters contain SPG, so please, please if you're a minor, please skip that part. Watch out for some grammatical errors, I will fix that if I have plenty of time. Thank you!

________________________________________

YUSRA

Hanggang kailan ko hihilingin ang kapayapaan sa aking kalooban? Hanggang ngayon umaasa pa rin akong makakalimutan ko na ang bakas ng kahapon ngunit kahit anong gawin ko, kahit anong pilit kong burahin ang mga markang naiwan niya, hindi ko magawa. Nakaukit na ito sa aking kalooban kung saan wala na akong kawala.

Sa loob ng sampung taon, I am still seeking his answer on why he have to leave me hanging. I can't let go of my feelings for him without knowing the real reason behind it. I wanted to set myself free but I can't. I still can't.

"Good afternoon passengers. This is your Captain speaking, we are now heading to our destination, Samar Leyte. We ask that please fasten your seatbelts at this time and secure all your baggage underneath your chair...."

Napangiti ako sa kinau-upuan ko, saka pasimpleng napatingin sa labas ng bintana nang marinig ko ang katagang kahit kailan ay hindi ko akalain na aking mapupuntahan, hindi ko alam kung bakit ko pa dinala ang sarili ko sa lugar na ito kung alam ko naman na wala na akong pupuntahan dito, kung bakit ba naman ay pumayag akong sumama sa medical mission.

Napatigil ako sa pag-iisip ng mapansin kong nakatingin sa akin si Ishi, suot niyo ay isang malapad na ngiti na halos umabot sa kaniyang tainga sa sobrang lawak. Nakakalungkot isipin na siya ang seatmate ko kaya kinakailangan kong magtiis sa kakulitan nito.

"Doc. Yusra!" Niyugyog pa niya ako, tuwang-tuwa siya sa ginagawa niya. " Ayos ka lang ba? Bakit ngumingiti ka mag-isa diyan? Are you thinking something nasty or what? You're scaring the hell out of me!"

"Ang bastos mo talaga." Tugon ko rito.

"Kung wala sa mga sinabi ko ang dahilan kung bakit ka nakangiti, it means you're thinking about your ex who's living to that place, right?" Tanong nito muli.

"I didn't know that you were assuming, Rishi. Ganyan ba epekto ng pagdi-direk mo?" Natatawang ani ko.

Sumandal ito sa kina u-upuan niya, saka nakangusong tumingin sa akin. "Kasi naman it's too obvious, I can read what's on your face, girl." Rishi sighed.

"I moved on, okay?" Pagsisinungaling ko sa kanya.

"Sinong niloko mo? Ganito na lang, marami akong kilalang artistang single, gusto mo bang ipakilala kita? Pero syempre roon sa matino at hindi ka sasaktan. Gusto mo sa Tantan? Maraming hot doon, kaso ingat ingat tayo. "

I rolled my eyes as an answer, aanhin ko naman ang pogi kung hindi siya 'yon? 'Di'ba? Hindi na ako sumagot pa at hinayaan ko na lamang siyang magsalita nang magsalita, mapapagod rin naman ito kapag napansin niyang hindi ako interesado sa mga nirereto niya.

"Guys, what if after our plane landed let's go and buy something to drink? Or we can go out and try partying, alam niyo iyon for a change? Nanunuyo kasi ang lalamunan ko and I wanted to drink parang ang tagal na kasi noong last na nakainom ako." Sabat ni Mica, nasa likuran naman ito nakaupo ang katabi niya ay si Lia.

Pabirong hinila ni Lia ang buhok nito. Buti nga sa kanya.

"Gaga! Have you forgotten that we drank last night? Ang sabi mo sa akin, huwag kong sabihin kay Yusra dahil tiyak na magagalit siya sa ating dalawa dahil bukas ang flight natin." Nakangising sabi ni Lia. "Lasing ka pa ba, Mica?"

Lumapit sa tainga ni Lia ang bibig ni Mica at may binulong dito, hindi ko narinig ang sinabi nito, basta na lamang sila naghagikhikan dalawa.

"May ginawa na naman sigurong kalokohan itong dalawang 'to." Napapailing na sabi ko, habang nakatingin sa kanilang dalawa, na patuloy pa rin sa pagtatawanan.

"By the way, Yusra, who is that guy, again? The one who made you cry for the past ten years?" Thea asked. Nakangisi itong nakatingin sa akin, hinihintay ang magiging reaksyon ko sa naging tanong niya.

"He's no one." Matigas at mariin na aking sa sagot.

"Yusra, sabi ko naman sa 'yo uso move on. Iyang mga lalake na yan, walang gagawin sayo 'yang maganda kung hindi ang saktan ka, so, if I were you, I will forget him because he doesn't deserve you." Seryosong sabi ni Belle, habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. "I know it is not easy to forget someone that you really love pero hanggang kailan mo ikukulong ang sarili mo sa pagmamahal na iyan?"

"Ayan din ang tanong ko, pero hanggang ngayon wala rin akong kasagutan, Belle." Wika ko na kinatahimik nila.

Hindi ko na sila pinakinggan dahil tinamaan ako sa sinabi nito, hanggang kailan ko ba ikukulong ang sarili ko sa pagmamahal na dapat matagal ko nang binura?

Napabuntong hininga ako at ipinikit ang mga mata ko iniisip ko ang sinabi ni Belle. Move on? Madaling sabihin, pero napakahirap gawin. Buti sana kung sulat lang to ng lapis na madali mong mabubura pero hindi.

Napabuntong hininga ulit ako at dinilat ang aking mga mata, humilig ako sa bintana habang inaalala ang mga salitang binitawan niya.

"Let's reach our dream together, habibti."

"I will wait for you 'til my last breath."

"I will never leave you; I promise."

Napangiti ako ng mapait nang maalala ko ang pangako niya. Mga pangakong tuluyang napako.

"Kalokohan." Bulong ko sa sarili ko, habang pinipigilan ang pagtulo ng luha ko. Bakit gano'n lamang kabilis magbitaw ng mga salita? Pero napakahirap naman panindigan.

Mapapaisip ka nalang kung ano nga ba ang kulang sa'yo at nagawa ka niyang ipagpalit, mga dahilan kung bakit pa rin tayo iniiwan ng taong mahal natin kahit binigay na natin ang lahat. Sa sobrang pagmamahal na binigay ko, naubos lang ako hanggang sa wala na akong itinira sa sarili ko.

Hanggang kailan ba ako magkakaganito? Hanggang kailan ko mararanasan ang pait at sakit na ibinigay niya, I wanted to move on from the love that I am feeling, but how? Everytime that I look around, I only see him. My heart belongs to him even after all he did is hurt and left me.

I am still mystified by his decision of leaving me. If leaving me is his choice by saying that he loves me, I don't want it. I'd rather drown in an abyss of darkness than letting him give the same love to me, again... 

Mystify LoveWhere stories live. Discover now