CHAPTER 01

2K 59 83
                                    


THE DOCTOR

"Sasama ka ba hinde?" masama ang tingin na tanong ko kay Ash.




"Ikaw na muna, marami pa 'kong inaasikaso" pagkatapos ay nagkamot ito ng ulo saka ngumiwi.



"Tangina sabi ko na eh! Dapat talaga kanina pa 'ko umalis" naiiritang sabi ko habang naglalakad papalabas sa coffee shop.





"Ays! Asan na ba 'yung susi ko?!" iritang sigaw ko habang kinakalikot ang aking bag.



"Ay! Punyeta!" Napatalon ako ng biglang may bumusina sa 'kin.



"Ano ba?!" inis na sigaw ko ng ibaba ng tao sa sasakyan ang kaniyang side window.



"Alam mo bang parking para sa mga sasakyan yan?" tanong nito sa 'kin.


"Malamang, hindi naman ako bobo!" nakangiwing sabi ko. Dahan dahan niyang tinanggal ang shade niya saka tumingin ng diretyo sa 'kin.



"Eh bat ka nakatayo diyan? Sasakyan kaba para diyan tumayo?" nakataas ang isang kilay na tanong niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin bago ako naglakad papunta sa sasakyan ko.



Padabog akong pumasok sa sasakyan ko at padabog ko ring sinara ang pinto nito. Irita kong pinaandar ang sasakyan at nagmaneho papunta sa hospital.




"Goodmorning Ms. Rodrigez" nakangiting bati sa'kin ni Fitz.



"Good afternoon Doctora" nakangiting sabi ko kaya naman siya napatingin sa wall clock saka natawa.



"I'm sorry hindi ko napansin iyong oras" natatawang sabi niya, ngumiti lang naman ako saka na umupo.


"Ano nga pala iyong importante mong sasabihin?"

"Pinatawag kita dahil dito" May inilabas siyang envelope saka ito ibinigay sa 'kin. Binuksan ko ito at nakita ang mga x-ray ko.



"Ry, lumalala na ang kalagayan mo. Kailangan na nating gawin ang operasyon" Napabaling naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.


"The surgery is useless" simpleng sabi ko.


"No it's not, we can have the best doctor. May kakilala ako. In fact he's really really available" nakangiting sabi niya.



"Wala pa din naman 'yong kwenta. Hindi niyo naman masabing one hundred percent na magiging maayos ang kalalabasan ng operasyon" sabi ko saka nag-iwas ng tingin.


"Ry, maybe it can help, maybe it will be successful"

"Maybe it will not"


"C'mon Ry, think positive"
sabi niya kaya naman napatingin ako sa kaniya.


"Sasabihan na lang kita kapag nagbago ang isip ko" nakangiti ng sabi ko saka na tumayo at naglakad paalis.




"Gawin na kasi!" pagpupumilit sa 'kin ni Ashley habang nakasunod sa 'kin.


"Ayoko nga!" inis na sabi ko habang inaayos ang order ng costumer.



"Bakit ba ayaw mo?" binalingan ko siya. Kunot noong nakatingin naman siya sa 'kin.



"Hindi ko pa nagagawa ang mga gusto kong gawin sa buhay" simpleng sagot ko pagkatapos ay binigay na sa waitress ang order.



"Eh pano mo magagawa puro ka coffee shop, bahay, mall. Ano na?" nakangiwing sabi niya.


Live, Love, Longer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon