FRIENDS"Hoy bakit nga tayo nandito?" Tanong nitong si Alex habang sumusunod sa'kin, kanina pa kami naglalakad rito sa loob ng eskwelahan. Medyo nahilo na'ko dahil andaming paliko-liko, hindi ko pa naman kabisado ang lugar. Napabuntong hininga ako saka naupo sa maliit na swing.
"Gusto kong gawin natin ngayon ang paghahanap sa taong nagbigay sa'kin nito" sabi ko ng makaupo siya sa kabila ko habang hawak ang suot na kwintas.
"Sigurado ka?" Gulat na tanong niya. Tumango naman ako saka siya sinenyasan na itulak ako para gumalaw ang swing.
"Bakit naman?" Tanong niya ulit habang bahagya akong tinutulak.
"Wala lang gusto ko lang makita ulit 'yung naging kaibigan ko" sagot ko sabay nagkibit balikat.
"Ano bang pangalan niya?" Tanong niya kaya naman pinigilan ko sa pag-galaw ang swing saka tumingin sakaniya. Siya naman ay nagtatakang nakatingin sa'kin.
"Ahmm..." Inisip ko kung ano iyong pangalan no'ng lalaki." Hindi ko matandaan" sabi ko dahilan upang mapangiwi siya.
"Seryoso ka ba? Mag hahanap ka ng taong hindi mo alam ang pangalan? Ang hirap ng alam mo ha!"
"Alam ko balak niyang maging doctor sa puso"
"Madami ng Cardiologist ngayon"
"Gusto niyang maging pinaka magaling!" Dagdag ko kaya naman siya napabuntong hininga.
"Ako nga ang pinaka magaling" Sabi niya kaya naman ako napangiwi.
"Ikaw? As in pinaka?" tanong ko tumango naman siya.
"Weh?" Hindi naniniwalang sabi ko.
"Oo nga"
"Baka sumalot ka lang, dapat siya yung nasa pwesto mo!" Sabi ko kaya naman niya ako binatukan.
"Bobo naman pala 'yon" Mayabang na sabi niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"Hoy mabait yon, kumpara sayo!" Pagtatanggol ko dun sa tao.
"Mas gwapo naman ako" sabi niya saka pa ako kinindatan.
"Mas gwapo kaya siya"
"Sus! Antagal mo na ngang di nakikita, pano mo nasabing gwapo?"
"Feeling ko lang!" Sabi ko saka na tumayo.
"Tara na! Magtanong tanong tayo" Maglalakad na sana ako ng hinila niya ang kamay ko pabalik.
"Ano namang itatanong mo? May kilala ho ba kayong nag graduate ng Cardiologist na dating nag-aral dito?" Sarkastikong tanong niya kaya naman ako napanguso.
"Basta kailangan natin siyang hanapin!" Sabi ko saka na ulit naglakad. Narinig ko naman siyang padabog na sumunod sa'kin.
Nakasimangot akong umupo sa tabi ni Alex dahil sa pagod.
"Pagod kana?" Tanong niya sabay abot ng tubig.
"Ikaw ba naman ang maglakad-lakad" Sagot ko ng makainom ng tubig.
"Bakit ba gustong-gusto mong hanapin 'yung lalaking 'yon?"
"Kai siya lang iyong naging kaibigan ko" sabi ko saka nag-iwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Live, Love, Longer
Teen FictionNote: Hindi pa 'to na eedit so pasensya na sa wrong grammar/s and typographical error/s. Isabel Riley Rodriguez has a heart disease, she was never afraid of death but she never leaves her comfort zone. Her heart disease became critical that she need...