Dream jobA month have passed. Nagpatuloy na kami ni Alex sa pagtravel cause it's my last month. Last month na ng pagkakawala ko, anoto ikukulong ako? After ng travel namin na ito ay magpapahinga ako ng tatlong araw saka na isasagawa ang surgery kaya hindi na ganon nagbabawal si Alex.
Kasama na naming umaalis si Honey kapag nagtatravel kami, pero iniwan namin siya kina mama ngayon dahil hindi na parte ng pilipinas ang pupuntahan namin.
We arrived in paris yesterday, we already explored Musèe du Louvre. It was such a beautiful museum. Hindi na namin naexplore ang buong lugar dahil sobrang laki nito at halos mag-gagabi na non. I saw the famous painting of the Mona Lisa and also the acient Venus De Milo sculpture, of course they where old but still mesmerizing. Last night we rode Seine River Cruises, it was beautiful and enjoyable lalo't naabutan namin ang sunset.
Kaninang umaga ay pumunta kami sa Luxembourg Gardens. Ang ganda lang makita ng tanawin na ito dahil sa mga halamang nakapalibot dito pati na rin ang dahuman ay nagbibigay liwanag sa lugar.
Nandito kami ngayon sa Parc de la villete or what they call the largest landscape green space in Paris. The garden here are wonderful and relaxing, mayroon ding playground para sa mga bata. Halos ng makabalik na kami sa hotel ay gabi na. Nakakain na rin kami sa labas kaya magpapahinga nalang muna kami.
"Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka" sabi ni Alex bago ako makapasok sa kwarto ko. Nagpahinga lang ako ng ilang oras bago naligo. Nang matapos ako ay tinignan ko 'yong mga litrato namin kanina. Siguradong babalik ako rito para mapuntahan pa ang ibang lugar na hindi namin mapupuntahan ngayon. But maybe that will be in my next life huh.
Kaagad lang lumipas ang mga araw today is our last day here in paris, dapat ay gagawin namin iyong love lock ngunit nalaman naming hindi na pala pwede 'yon, ipinagbabawal na ng gobyerno rito ang paglalagay ng ganon kaya naman nandito kami sa Eifell tower. Gusto ko sanang pumunta dito ng gabi kaso gabi ang flight namin kaya ngayon na lang kami pumunta.
"Babalik tayo dito ha" Baling ko kay Alex.
"Sure, whenever you want" He replied, kaya naman ako napangiti. Babalik ako dito, kung hindi man ako magigising sa surgery ay sa susunod na buhay ko nalang. Basta babalikan ko ang lugar na 'to kahit na anong mangyari.
That's what happened in our last trip, we are now back in manila. Dapat ay iaadmit ako ngayon sa hospital ngunit naki-usap ako na bukas na lang.
"Baby, big kana dapat kaya mo ng alagaan sarili mo ha" pakikipag-usap ko kay honey "alagaan mo daddy mo kung mawala man ako ha?" I said, then hugged honey.
"Oh" napatingin ako kay Alex na nag-abot ng can beer sa'kin, natatawa ko itong kinuha saka ininom. Galit na galit nanaman siya porket nag-aya nanaman akong uminom.
"What's your dream job ry?" Biglaang tanong niya. Bigla-biglang magtatanong ng ganito si tanga.
"Pediatrician" I simply said.
"Bakit hindi ka nag-pediatrician?"
"Because I didn't take the bored exam"
"Why?"
"Siguro dahil mas ginusto ko nalang i-enjoy 'yung buhay ko. I always overthink. Inisip ko na baka bigla akong aatakihin sa puso at mamatay"
"You should take the bored exam, you'll be a good pediatrician" he said.
"You think so?" Tanong ko kaya naman siya tumango-tango.
"Siguro kapag naging successful 'yung surgery" biglaang sabi ko.
"Siguradong magiging pediatician ka! Ako ata ang magsasagawa ng surgery" mayabang na sabi niya kaya ako natawa.
"Gago, ang hangin mo!" Sabi ko saka siya hinampas.
"Binabawi ko na pala" nakangiwing sabi niya habang hinahaplos ang braso niya kung saan ko siya pinalo.
"At bakit naman?"
"Mapanakit ka! Baka saktan mo lang ang mga bata!"
"Hoy! Mapagmahal ako!"
"Oo nga pala, kaya nga pala mahal mo 'ko" sabi niya saka ngumisi.
"Hoy! Hindi kita mahal!" Deny ko naman.
"Sus! Maypa sabi-sabi ka pa kayang ayaw mo 'kong masaktan" napanganga naman ako ng bigla niyang sinabi 'yon. Simula kasi ng gabing 'yon ay hindi na namin pinag-usapan ang mga nangyari.
"Wow! Kaya pala may pasabi-sabi ka pang kaya mong masaktan para sa'kin" balik ko sakaniya kaya naman siya napatigil.
"Ikaw honey sabi na kasing mapagmahal ang mommy mo. Ang kulit mo" biglang sabi niya kay honey kaya naman ako natawa, ang inosenteng alaga namin ay nakatingin lang sa kaniya.
Kinaumagahan ay pumunta ako kina mama. Si Alex naman ay pupunta rin daw sa mga magulang niya. Nakilala ko na ang mama't papa niya, nabigla nga ako ng bigla akong yakapin ng nanay niya at sinabing ang ganda ko daw hehe.
Nang maghapon na ay inadmit na 'ko sa hospital, tommorow is the day of my surgery. Kung ano-ano ang tinurok sa'kin, hindi na'ko nasaktan dahil bata palang ako ay marami ng tinuturok sa'kin kaya nasanay na'ko rito.
"Oh? Bakit kayo nandito?" Gulat na tanong ko ng biglang pumasok sina Ash, kasama niya sina Lance. Kumpleto ang mga ito.
"Ano 'yan?" Tanong ko ng inilapag nila ang dala nila sa side table.
"Fruits" sabi ni Lance.
"Eh? Kaka admit ko lang kanina guys, sana ok lang kayo" natatawang sabi ko.
"Lalaban ka naman diba?" Biglang tanong ni Luke.
"O-oo naman" sagot ko. Bigla naman lumapit sa'kin si Roderic at niyakap ako.
"Papagaling ka ha?! Hindi na 'ko manlalandi ng babae kapag gumaling ka, promise" sabi niya habang yakap ako kaya naman ako natawa.
"Dude, humanda kana dahil huling araw mo na ng pang-bababe 'to" natatawa namang sabi ni Eric.
"Alam niyo, maging proud nga kayo sa'kin may ambag din ako sa operasyong to oh, hello" sabi ni Steven, kasama siya sa mga doctor na magsasagawa ng operasyon.
"Bastat kapag hindi nagising si ry, mababaog mga doctor na kasamang gumawa sa operasyon" sabi ni Luke, kaya naman gulat na napatingin si Steven sakaniya.
"Walang ganyanan pre, magigising si ry at hindi ako mababaog. Sayang lahi namin" umiiling na sabi niya.
After the surgery I wish to wake up and see this people again. Kung hindi man ay gusto kong maging kaibigan ulit ang mga taong ito sa susunod kong buhay.
"Dito nga kayo" naiiyak na sabi ko saka sumenyas ng group hug. Lumapit naman silang lahat saka ako niyakap.
"Gagaling si, ry! Fighting!"
_________________________________________Keep safe!!
BINABASA MO ANG
Live, Love, Longer
Teen FictionNote: Hindi pa 'to na eedit so pasensya na sa wrong grammar/s and typographical error/s. Isabel Riley Rodriguez has a heart disease, she was never afraid of death but she never leaves her comfort zone. Her heart disease became critical that she need...