CHAPTER 25

315 14 0
                                    


A story

Hindi ako umuwi sa bahay kagabi, umuwi ako kina mama at dito natulog. Nang makauwi ako ay gising pa sila, nagtataka silang nakatingin sa'kin ng pumasok ako ngunit hindi naman sila nagtanong.



Halos madaling araw na'ko nakatulog, tinitignan ang buwan, umiiyak. Ansakit lang kasi na parang bakit kailangan maging ganito? Hindi ba pweding simple lang? Hindi ba pwedeng 'wag na lang siya umamin? Alam kong madaming masisira dahil sa ginawa niyang pag-amin.





Nagising ako na halos maghahapon na. Nagulat na lang ako ng pagkababa ko ay nandito sina Ash at Fitz.



"So What happened last night? Bigla nalang kayong nawala ni Alex" sabi ni Fitz.



"Nothing happened"



"Alam naming meron ry, don't lie to us" seryosong sabi ni Ash. Hinaplos ko si Honey na nakahiga sa tabi ko.



"Shits happened" I said "He confessed"



"Then? Whats the problem with that?" Fitz asked, napairap naman ako.



"What did you say?" Ash asked.



"I said he should stop loving me" sabi ko, halos pabulong lang 'yon.



"What? Why?!" Sabay na tanong nila ni Fitz.



"You know why"



"Did you told him the reason?" Ash asked, I shook my head.



"You should tell him" Fitz suggested.



"Why? For what? Wala naman magbabago kapag sinabi ko sakaniya ang dahilan"



"Meron... meron magbabago kapag nalaman niya ang rason mo. Right now he's hurting, he's confused"




"But–"



"No buts, go to him and explain everything. Mas matatanggap niya kung bakit mo siya inayawan kapag sinabi mo" Fitz said. That's  where our conversation ended. I thought about what they said, tama sila. I will explain to him everything.





Nang mag alas-tres ng hapon ay doon ko napagpasyahan umalis na, sinama ko na si honey dahil balak ko ng umuwi sa bahay. Nang maka pasok ako sa bahay ay nakasarado lahat ng ilaw, parang walang tao. Umakyat ako sa taas, papasok na sana ako sa kwarto ko ng makitang nakabukas ang pintuan ng veranda.



I sighed before I walked to the veranda. Hindi pa man ako tuluyang nakalapasok rito ay nakita ko ang isang lalakung nakaupo sa sahig habang nakatingin lang sa langit.



Dahan-dahan akong lumapit rito at umupo sa tabi niya, diretyo ang tingin ko sa langit ng umupo ako. I saw at the side of my eye that he was looking at me in shock. Tinignan ko siya saka ako bahagyang natawa.



"Did you even sleep?" I asked, he was just staring at me. I slighty smiled.



"Do you wanna hear a story?" I asked him. He didn't answer that's why I started talking.



"Isang araw may batang babaeng napakaganda" I said then chuckled "Perpekto ang kanyang hugis ng mukha, maputi ang kaniyang kutis, maganda ang ilong, at mapula ang kaniyang labi" I looked at the moon and imagined the girl.



"Meron siyang mapagmahal na magulang, may kaya rin sila sa buhay at nabibigay lahat ng magulang niya ang kailangan niya at gusto niya" I smiled because of that.



"Sobrang saya ng buhay niya, pero isang araw biglang nagkaproblema. Mayroong nagtangkang manlason sa batang babae kaya prinotektahan siya ng kaniyang mga magulang, sa sobrang pag-aalala sakaniya halos lahat ng gusto niyang gawin ay hindi na pupwede. Para siyang nakulong sa isang madilim na kwarto, ngunit hindi naman masakit ang loob ng batang babae dahil naiintindihan naman niya na nag-aalala lang ang kaniyang mga magulang"



"Isang araw may inutusan ang mga magulang ng batang babae na hanapin ang nagbabalak manlason sa kanilang anak. Halos hinalughog nila ang buong bayan. Sobrang saya ng batang babae dahil kapag nahuli na iyong nagbabalak manlason sakaniya ay maaari na niyang gawin ang mga gusto niyang gawin. Ngunit ng mahuli 'yong magbabalak manlason sa batang babae ay hindi pa rin pala tapos ang kaniyang pagkakulong dahil inutusan lamang iyong nagbabalak manlason sakaniya, kaya posible pa rin mamatay ang batang babar kapag mayroon ulit inutusan ang talagang salarin."



"Sumuko na ang mga magulang ng batang babae sa paghahanap sa nag-utos rito. Naging masaya nalamang sila at hindi na inalintana 'yong masamang tao. Ngunit nagkaroon ng trahedya, umalis ang mga magulang ng batang babae upang makipag-usap sana sa presinto, dahil ang sabi ay nakita na raw ang salarin. Sa hindi inaasahang pangyayari ay namatay ang mga magulang ng batang babae dahil sa aksidente" Tears dropped from my eyes.



"Sobra ang iyak noong batang babae dahil sa nangyari. Iniisip niya kung bakit ganoon ang nangyayari sakaniyang buhay. Sobra ang pagluluksa niya dahil nawalan siya ng minamahal sa buhay, pauli-ulit na tinatanong kung paano na siya? Ano na ang mangyayari sa kaniya? Bakit nangyayari ang mga ganon sa buhay niya?" My tears flowed.



"Hanggang ngayon ay tinatanong ko 'yon sa aking sarili. Bakit nangyari 'yon sa mga magulang ko? Bakit kailangan magkaroon ako ng sakit sa puso? Kung hindi lang sana nila kinailangan pumunta sa hospital ay hindi sana sila nawala. Sana hanggang ngayon kasama ko sila, sana hanggang ngayon nayayakap ko sila. Andaming sana.... Andamimg sana pero alam kong ni isa sa mga sanang 'yon walang magagawa. Walang mangyayari, kaya ko sinabi sayong tigilan mo ang pagkagusto mo sa'kin kasi alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng taong minamahal. Alam ko kung gaano ka masasaktan kapag nawala ako. Alam kong masasaktan ka kapag nagpatuloy anv pagmamahal mo sa'kin" Humarap ako sakaniya.



"So please doc, stop loving me, stop liking me" Pagmamakaawa ko "I don't wanna see you cry infront of my casket, even infront of my grave" I cried, he pulled me closer to him so he can hug me.



"Who said I will cry infront of your casket? Who said I will cry infront of your grave? I won't cry not because I dont like or love you, I won't cry because you are not going to die, you are not going to lie down inside the coffin and you will not be buried" He whispered while caressing my hair.



"Nothing bad is going to happen, you will live longer. I promise you that" He said then broke away from the hug and kissed me on the forehead.



He looked at me then laugh "I have confirmed that you, Isabel Riley Rodrigez is a cry baby" he said as he wiped my tears using his thumb.



I laugh then hugged him "Let's stay like this, No commitment, No label, just living our lives like we used to"
_________________________________________

Keep safe ^_^

Live, Love, Longer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon