CHAPTER 02

810 47 30
                                    

TENANT

"Masarap kape niyo dito ah" sabi ng lalaki na nakaupo sa harapan ko.



"Malamang" sagot ko.



"Alam mo ikaw sobrang maldita mo, asan ba manager niyo? Susumbong kita" sabi niya pa pagkatapos ay isinandal niya ang likod sa upuan sabay pinagkrus ang mga kamay.



"Tara, ipapakilala kita ng matigil ka sa kaka kuda mo" hinila ko siya papunta sa tapat ng salamin.



"Alam ko namang gwapo ako, pero nasaan na 'yung manager mo?" nakataas ang isang kilay na tanong niya. Hangin netong hayop na 'to. Tinuro ko ang repleksyon ko sa harap ng salamin.



Nakanganga naman siyang tumingin sa 'kin habang nakaturo din sa repleksyon ko. Pinagkrus ko ang mga kamay ko pagkatapos ay tumango-tango.



"Mag sumbong ka na, makikinig 'yan" sabi ko pagkatapos ay ngumisi. Ngumiwi naman siya saka ako sinamaan ng tingin.



"Ang ganda naman ng manager niyo, single ba siya?" Aniya kaya naman unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko.



"Wag mong haharutin, di pumapatol sa bobo yan" sagot ko saka umiiling na bumalik sa kinauupuan namin kanina.



"Pero seryoso nga anong pangalan mo?" tanong niya pagkabalik niya.




"Bakit ba interesadong interesado ka sa pangalan ko? Crush mo 'ko no?" nakataas ang isang kilay na tanong ko.


"Ay! Assuming ka din pala! Gusto ko lang malaman kung anong pangalan ng pasyente ko" sabi niya kaya naman ako napairap.



"Don't call me that, it's irritating" sabi ko habang ang tingin ay sa bintana.



"Alin? Ang assuming?" tanong niya ulit kaya ako napatingin sa kaniya.



"Pasyente"



"Ah! Ano ba kasing pangalan mo?" tanong niya kaya naman ako tumayo upang pormal na magpakilala.



"I'm Isabel Riley Rodriguez." Pagpapakilala ko sabay lahad ng aking kamay sa harapan niya, tinitigan niya muna ako bago siya tumayo.



"Alexander Raey Villafuerte, your handsome doctor." Nakangiting sabi niya saka tinanggap ang kamay ko.



"Handsome ampota" bulong ko bago umupo.



"Buti talaga pumayag ka kanina" Aniya bago siya umupo.



"Wala naman akong choice 'yun ang gusto ng pinsan ko" simpleng sagot ko bago uminom sa kapeng nasa harapan ko.



"Bakit pinsan mo ang nasusunod? Nasan ang mga magulang mo?"



"Bakit ba andami mong tanong?" naiiritadong tanong ko pabalik na ikinatawa niya.



"Suplada! Curious lang" sabi niya bago nagkibit balikat.



"Alam mo hindi mo 'ko kailangang kilalanin"



"Bakit?"



"Wala lang, pake mo? Basta 'wag!" sabi ko kaya naman siya natawa. Abnormal ata 'to, panay ang tawa.





Natapos ang pag-uusap namin ng may tumawag sa kaniya. May naghahanap daw sa kaniya sa clinic niya kaya kailangan niyang bumalik.





Natapos naman ang araw ko sa pagsusulat ng mga balak kong gawin bukas. Sinulat ko ang mga matagal ko ng gustong gawin na ipinag bawal sa 'kin. Alam mo 'yung kahit pinagbabawal ay gusto mong gawin dahil sa curiosity.





Live, Love, Longer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon