CHAPTER 15

362 19 1
                                    


'Inlove' with the lyrics

"Lasing ka na! Matulog na tayo" aya ko saka na tumayo.



"Matulog ka na dito muna ako" sambit niya habang nakatingin pa rin sa buwan



"Anong gagawin mo dito? Ang lamig-lamig na baka magkasakit ka!" Nakakunot noong sabi ko. Napatingin naman siya sa'kin.



"Wala lang, sige na pumasok ka na papasok na din ako maya-maya" sabi niya kaya naman ako napatango, nauna na 'kong pumasok. Naghilamos muna ako bago natulog. Dahil na din siguro sa pagod ay kaagad akong nakatulog.





Kinabukasan ay ginising ako ni Alex ng mga alas singko ng umaga para makakain muna kami bago makaalis. Sinundo kami nina Ash gamit ang van ni Lance dahil lahat ng tropa ni Alex ay sumama.



Nakasuot ako ng Itim na hoodie saka itim na sweatpants. Kinuha ko ang phone ko saka sinaksak ang earphones rito. Binigay ko ang isang parte ng earphones kay alex dahil siguradong kukunin nya naman ito.



"Patulog ah!" Sabi ko saka humiga sa lap niya. Napansin kong nakatitig siya sa'kin kaya ko naman iniwas ang mukha niya gamit ang isa kong kamay. Tumatawa siyang tumingin ulit sa'kin saka pinaglaruan ang buhok ko, kaagad naman akong nakatulog dahil don.





"Hoy!" Rinig ko



"Hoy!"



"Ryyyyy!!!!!!"



"Aray!" Daing ko habang nakahawak sa pwetan ko dahil nahulog ako. Napatingin naman ako kay Alex na tatawang-tawa.



"Tangina mo! Bakit ka ba sumisigaw?!" Masama ang tingin na tanong ko.



"Kanina pa kita ginising e, bingi ka" Malumanay na sabi niya pagkatapos ay tumawa.



"Labas ka na nandito na tayo" tatawa-tawang sabi niya saka na naunang lumabas. Hawak ko pa rin ang pwetan ko habang sumunod sakaniya, ang sakit ng pagkakabagsak ko huhu.



"Magkasama kami ni ry tapos kayo na bahala kung sino ang kasama niyo sa kwarto" pagpapaliwanag ni Ash kaya naman bumaling ako kay alex para kunin ang gamit ko. Naghiwa-hiwalay na kami ng mapagdesisyonan ng boys kung sino ang makakasama nila sa iisang kwarto.



Nang una ay nagtalo-talo pa sila dahil hindi nila ito gusto, gusto nilang mag kanya-kanya ngunit hindi 'yon pwede dahil madaming guest sa hotel. Sa mismong kasal palang kasi nakareserve ang buong resort kaya kailangan muna nila magsama-sama.



Nang makapasok kami ni Ash sa kwarto na para sa'min ay kaagad akong nahiga sa kama. Si Ash naman ay inayos ang mga gamit namin. Tumayo ako saka tumingin sa veranda, kita rito ang magandang tanawin ng dagat.



"Tara swimming" baling ko kay Ash saka lumapit sakaniya.



"Sige pero kain muna tayo" sabi niya habang inaayos pa rin ang mga gamit namin.



"Huwag na! Kumain kami ni Alex bago tayo pumunta dito" sabi ko saka inopen ang phone ko.



"Iba ang agahan sa tanghalian" sambit niya kaya naman ako napatingin sa kaniya saka ako napatingin sa orasan ng cellphone ko.



"Ay gago! Ala-una na pala" Hindi makapaniwalang sabi ko. Lumapit ako sa gamit ko saka kumuha sa dala kong bikini.



"Bihis muna ako" sabi ko saka na pumasok sa banyo. Pagkalabas ko ay si Ash naman ang nagbihis saka na kami bumaba para makakain na. Nakasuot si Ash ng puting t-shirt at maong short, ako naman ay medyo brown na may print t-shirt pati maong short.



Live, Love, Longer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon