TATTOO"W-wala! Sabi ko matatalo kana oh!" Pag-iiba niya sa usapan.
"Oh" Tinapat ni alex sa bibig ko ang hawak niyang donut. Tinignan ko muna siya bago ito kinagat.
"Boom! Bagsak!" Tumatawang sabi ko ng matalo ko si Lance.
"May pampalakas yung donut pre!" nang-aasar na sabi ni Eric kaya naman natawa si Lance.
"Mahina lang talaga si Lance" tumatawang sabi ko.
"Totoo 'yan" sang-ayon sa'kin ni Eric.
"Ulol!"
"Oh" abot sa'kin ni Alex ng juice.
"Thanks" sabi ko saka ito ininom. Nagpatuloy lang sa asaran ang mga kaibigan ni Alex. Napunta rin sa usapan tungkol doon sa babaeng matagal na niyang hinahanap.
"Oo! Nababaliw na nga yan sa kakahanap eh!" tumatawang sabi ni Lance kaya pati na rin ang iba ay tumawa.
"Biruin mo, andami niyang inayawan para lang don! Sayang chixs pre!" Tumatawang dagdag rin ni Eric.
"Nasan na yung babae?" Tanong ko.
"Nasa tabi niya!" Tumatawa paring sabi ni Steven. Napatigil ang lahat sa pagtawa dahil sa sinabi niya. Seryosong nakatingin sa kaniya ang lahat.
"Huh?"
"Ah! Gusto daw niya ng katabi! Lonely kasi yan kapag gabi" sabi ni Lance saka pilit na tumawa, awkward namang tumawa ang iba ako naman ay ngumiti lang. Nagpatuloy ang kwentuhan namin nag-aya pa silang mag-inom ngunit tumanggi si Alex dahil mag-gagabi na at kailangan na naming umuwi.
"I dm mo kami kapag kailangan mo ng kausap o kasamang mag-inom" nakangiting sabi ni Steven.
"Sure!" Sabi ko bago pumasok sa shotgun seat.
"Ingat kayo pre! Baka mawala na naman!" narinig kong sigaw pa ni Lance. Ibinaba naman ni Alex ang side window saka inilabas ang kanyang kamay pagkatapos ay itinaas ang gitnang daliri. Natawa naman ang mga kaibigan niya sa ginawa niya.
"Bye!" Sigaw nila bago kami tuluyang makaalis. Tahimik naman kami sa simula kanina kaya nag-isip ako ng mqpqguusapan namin.
"Kilala pala siya ng nga kaibigan mo?" pambabasag ko sa katahimikan. Tumango lang naman siya bilang sagot.
"So alam din nila kung bakit mo siya hinahanap?" Tanong ko ulit. Tinignan niya muna ako saglit bago tumango. Tumango na lang rin ako dahil wala na 'kong maitanong. Walang ambag sa usapan si tanga kaya 'wag na lang.
Nang makarating na kami sa bahay ay umakyat na kaagad ako sa taas at pumasok na sa kwarto ko. Naligo muna ako at nang matapos ay tinignan ang mga kinuhang litrato.
Kahit na medyo loko-loko ang mga kaibigan ni Alex ay masaya silang kasama. Ramdam na ramdam ko ang pagka welcome ko sa friend group nila.
Medyo nakakalito nga lang ang mga sinasabi nila kapag napag-uusapan namin iyong tungkol sa babaeng hinanap ni Alex. Sa sobrang pagod ko sa mga ginawa namin kanina ay kaagad lang akong nakatulog.
Nagising ako ng marinig kong kumatok si Alex.
"Panget" sabi niya pagkabukas ko sa pinto. Ako naman ay napairap lang.
BINABASA MO ANG
Live, Love, Longer
Teen FictionNote: Hindi pa 'to na eedit so pasensya na sa wrong grammar/s and typographical error/s. Isabel Riley Rodriguez has a heart disease, she was never afraid of death but she never leaves her comfort zone. Her heart disease became critical that she need...