CHAPTER 14

338 20 3
                                    


The dream wedding

Nang maisuot ko ang piniling wedding dress ni Ash ay lumabas na'ko ng fitting room. Nang makalabas ako ay naabutan kong nagaayos ng butones si Alex ng suot niyang coat.



"Wow" Gulat na nakatingin sa'kin si Ash kaya naman ako natawa. Nang tignan kong muli si Alex ay nasa 'kin na ang kanyang tingin, ngumiti ako saka umikot para makita niya ang kabuuan ng suot ko.



"Ganda no?" Sabi ko sakaniya.



"Dre, sarado mo baka may pumasok na langaw"sabi ni Eric na katabi ni Ash.



"Ulol" ani Alex saka pa sinamaan ng tingin si Eric kaya naman ito natawa.



"Ikaw naman wag kang masyado magandahan sa'kin, baka mahulog ka" biro ko.



"Nahulog na, diko namalayan" Biglang kanta ni Eric at Ash. Natatawa naman akong tumingin kay Alex.



"Ikaw naman! 'Yung damit kase ang ganda, bagay sa mapapangasawa ko" sambit niya kaya naman nawala ang ngiti sa labi ko.



"Sorry ka sa'kin lang bagay 'to, hindi sa kung sinong gusto mo" sabi ko pero ibinulong lang ang mga huling salita.



"Ano?" Napataas ako ng isang kilay dahil meron siyang sinabi ngunit hindi ko narinig.



"Wala" sambit niya.



"Gusto niyo bang umalis muna kami?" Napatingin ako kina Ash na nakaupo nga pala sa sofa. Lumapit ako sa malaking salamin at tinignan ang repleksyon ko.



"Bagay ba?" Tanong ni Alex habang tumitingin din sa repleksyon niya. Natawa naman ako ng makitang tabingi ang pagkakalagay sa tie niya.



"Bakit ka tumatawa? Pangit ba?" Tanong niya kaya naman hinarap ko siya saka ako naglakad papalapit.



"Ang tanda tanda mo na 'dikapa marunong mag-ayos ng necktie" Natatawang sabi ko habang inaayos ang necktie niya.



"Yan! Pwede na. Bagay!" sabi ko saka pa nag thumbs up.



"Alam ko namang maganda ako pero baka matunaw ako nyan" mayabang na sabi ko ng makitang nakatitig siya sa'kin.



"Ehem! Nandito kami!" rinig kong sabi ni Eric.Tumawa lang ako saka ulit tumingin sa salamin. Napatingin ako sa medyo kulot kong buhok na halos umabot na hanggang sa pwet ko.



"Ash ayaw mo bang dumaan sa parlor?" Tanong ko habang nakatingin sakaniya sa salamin.



"Hindi ako pwede, kailangan naming pumunta kina Mama" sagot niya kaya naman ako napatango-tango. Ito 'yong ayaw ko, ngayon pa ngalang hindi pa sila kinakasal e nawawalan na siya ng oras sa'kin. Hindi naman sa nagdadrama pero nakasanayan ko na kasing kasama si Ash sa lahat ng bagay.
Napabuntong hininga nalang ako saka ulit tumingin sa sarili kong repleksyon. Napansin kong nakatingin din sa'kin si Alex kaya naman ako pilit na ngumiti.



"Ako nalang sasama sayo, magpapagupit din naman ako" sabi niya saka ngumiti ng bahagya. Tumango ako saka naglakad papuntang fitting room.



"Papalit lang ako" paalam ko bago tuluyang makapasok rito.





"Ry!" Masayang bati ni Angel ng makita ako.



"Ay bonga! May kasama"



"Boyfriend mo?" Pabulong na tanong niya.



Live, Love, Longer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon