CHAPTER 30

382 16 0
                                    

Honey?

Nakalabas na 'ko ng hospital. Alex's friends are always in here, sa bahay. Feeling ko pinabantay ako ni Alex bago siya umalis. When they're here I feel so happy. I have a smile on my face, para bang walang kulang. But when they leave there are tears in my eyes.

Masaya akong nandito sila at inaalagaan ako pero ramdam ko 'yung kulang. Hinahanap-hanap ko yung alaga sa'kin ni Alex. Hinahanap-hanap ko 'yung pag bawal niya sa tuwing umiinom ako. Hinahanap-hanap ko yung ka-kulitan niya. Hinahanap-hanap ko siya. Siya mismo.... 'yung buong siya.





"Alam mo, tanginamo!" Sigaw ko habang nakatingin sa langit.



"Akala ko ba pagagalingin mo 'ko?! E bakit parang mas sumakit ngayon?! Bakit parang mas lumala? Akala ko ba ikaw ang bahala sa puso ko? Bakit... Bakit mas lalo mong sinaktan?" I cried.



"Dapat hindi na lang ako lumaban. Alam mo bang ang hirap-hirap ng dinanas ko para lang magising ulit tapos...."



"Tapos ganito lang? Pagmulat ko wala kana....... 'Yung taong gusto kong makita wala na. 'Yung taong gusto ko pang makausap wala na. 'Yung taong gusto kong mahalin ngayon wala na...."



Umiiling na uminom ako sa beer na nasa tabi ko. Lumapit si Honey sa'kin kaya ko naman siya hinaplos.



"Tignan mo nga si Honey, miss kana! Lagi ka niyang hinihintay sa pinto. Lagi siyang maagang nagigising saka pumupunta sa kwarto mo para tignan kung nandoon ka na...." Those words where like whispers, I couldn't talk anymore because of so many tears.



"Sana man lang nagpaalam ka sa'min para hindi 'yung ganito na umaasa kaming nandito ka pa. Hindi 'yung ganitong naghihintay kami na babalik ka pa." 'Yan ang huli kong sabi bago humiga sa malamig na sahig.





Hindi ko na namalayang nakatulog pala ako. Nagising nalang kasi ako noong gisingin ako ni Ash. Nandito nanaman sila para siguraduhing kumakain ako.



"Alam niyo kahit 'wag niyo naman akong ipagluto," pagsasalita ko bago sumubo. Hindi naman sa ayoko silang nandito. Nagpapasalamat nga ako na nadito sila at nakakasama ko, pero ayoko namang abalahin sila at dumagdag sa iniintindi nila sa araw-araw.



"Okaya kahit 'wag na kayong pumunta dito, hindi naman ako nawalan ng kamay at paa." Sabi ko ulit ng hindi tumitingin sakanila.



"Kaya kong alagaan ang sarili ko, hayaan niyo muna ako sa ngayon. Lilipas din 'to." Sabi ko bago tuluyang tumayo dahil tapos na 'ko sa kinakain ko. Umakyat na ako sa taas saka pumasok sa guest room. Dito kasi ako natutulog ngayon. Nandito pa rin kasi 'yung amoy ni Alex sa buong kwarto, pati narin 'yung mga gamit niya.



Umupo ako sa kama saka pinagmasdan ang kahon na nasa harap ko. Ito 'yung kahon na ibinigay ni Ash sa'kin sa hospital. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin binubuksan. Napabuntong hininga ako saka ibinaba sa sahig iyong kahon. Humiga ako sa kama upang matulog. Mabilis namang tumabi si Honey sa'kin.



Alas-kwatro na ng hapon noong magising ako. Umorder ako ng pizza para hindi na 'ko magluto. Nang dumating ito ay kaagad na 'kong umakyat sa veranda habang dala ang pizza at beer.



Kagaya ng dati, nakatingin lang ako sa langit habang umiiyak. Minsan naiisip ko rin kung sa gabi-gabing pag-iyak ko ba isang araw wala na kong mailalabas na luha? Kung sa gabi-gabing pag-iyak ko ba isang araw pag-gising ko wala ng sakit?



'Yan ang halos parati kong tanong sa sarili ko. Kung hindi ko kinakausap si Honey ay tinatanong ko ang mga 'yon sa langit. Napatingin ako sa paligid ko nang maalala si Honey. Tumayo ako saka pumunta sa guest room para tignan kung nandoon siya.



Live, Love, Longer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon