KISS"Anong oras ka ba niya pupuntahan?"tanong ni ash habang inaayos iyong order ng costumer.
"Aba malay ko wala naman siyang sinabing oras" sagot ko naman.
"Teka kukuha lang ako ng blueberries" pagpapaalam ko saka ako pumunta sa storage room.
"Saan na ba 'yon?" Hinanap ko ang box kung saan ang mga blueberries.
"Sino ba namang higante ang maglalagay sa'yo dyan?" Tanong ko sa box ng blueberries ng makita ko ito na nakalagay sa tuktok. Hinanap ko iyong maliit na hagdan para maabot ko ito.
"Magpakuha ka!" Naiiritang sigaw ko ng hindi ko ito mahila dahil sa bigat.
"Ah!" Bigla akong na out of balance dahil sa pag-abot rito. Akala ko ay hahalikan ko ang sahig dahil paharap ang bagsak ko rito.
"Wah!" Tinulak ko papalayo sa'kin si Alex dahil sa gulat.
"Mag nanakaw!" Sigaw ko habang nakaturo sa kaniya ang isang kamay at ang isa naman ay nakahawak sa labi ko. Hindi naman siya nagsalita. Gulat parin ang mukha habang nakatingin sa'kin. Namumula akong naglakad papalabas ng storage room.
"Oh-"
"Aalis na'ko" Nagmamadaling paalam ko kay Ashley. Kinuha ko na ang bag ko saka naglakad papunta sa kotse ko.
Nang makapasok ko sa bahay ay kaagad akong pumunta sa kwarto ko. Hawak ko ang labi ko habang nakatingin sa salamin. "Potangina!" Naiinis na sigaw ko.
Naligo na'ko saka bumaba para magluto, saktong pagkababa ko sa hagdan ay nakita ko si Alex na kaka pasok lang. Kaagad akong pumunta sa kusina para kunwaring busy ako sa pagluluto. Magpapanggap na lang akong walang nangyari.
"Ry" rinig kong tawag niya sa likod ko.
"Hm?"
"Tungkol dun sa kanina-"
"Ha? Anong kanina? May nangyari ba?" kunwaring tanong ko ng makaharap sa kaniya. Napakunit siya ng noo dahil doon, dahan dahan siyang lumapit sa'kin.
"Anong gusto mong ulam?" pag-iiba ko sa pinag-uusapan namin, hindi naman siyang sumagot patuloy pa din sa paglapit.
"A-Ano sa tingin m-mo ang ginagawa m-mo?" Kinakabahan na sabi ko. Hindi naman siya sumagot, nagpatuloy lang siya sa paglapit sa'kin.
"Wala kang naalala sa kanina?" Seryosong tanong niya habang unti-unting lumalapit ang kanyang mukha. Umiling naman ako bilang sagot habang nilalayo ang mukha ko.
"Mamaaa!!!" Sigaw ko sabay tulak sa kaniya ng maramdaman ko muli ang labi niya sa labi ko.
"Magnanakaw! Manyak!" Sigaw ko habang hawak ang labi.
"Ahhh!!" Tumakbo ako papunta sa lababo para hugasan ang labi ko. Nang tignan ko siya ay naka sandal na siya sa pinto habang nakatingin sa'kin. Sinamaan ko naman siya ng tingin habang pinupunasan ang labi ko.
"Tungkol sa nangyari ngayon" pagsasalita niya kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin, siya naman ay ngumisi lang ng nakakaloko.
"Walang nangyari" sabi ko saka na bumalik sa ginagawa kanina.
"Gusto mong ulitin ko? Pwede naman kung gusto mo talaga" Sabi niya, kaya naman bumaling ako sakaniya na may masamang tingin.
"Pwede ba? Tumigil ka!" Iritang sabi ko kaya mas lalo siyang napangisi.
BINABASA MO ANG
Live, Love, Longer
Teen FictionNote: Hindi pa 'to na eedit so pasensya na sa wrong grammar/s and typographical error/s. Isabel Riley Rodriguez has a heart disease, she was never afraid of death but she never leaves her comfort zone. Her heart disease became critical that she need...