CHAPTER 11

356 25 0
                                    


Jealous

Mga litrato ko ito noong nasa ibang bansa ako. For the first time I saw my smile again. Yung ngiti na sobrang saya. Yung ngiti na walang iniisip kung anong mangyayari bukas. Yung ngiting matagal ko ng hindi nakikita.
Napatingin ako sa phone ko ng bigla itong mag ring.



"Hoy! Ang tagal naman! Baka pinagnanasaan mo na ang mga boxers ko diyan ah!" Bungad na sabi ni Alex sa'kin.



"Ulol! Hindi ako katulad mo!" Sabi ko saka na ibinalik iyong mga litrato saka na isinara ang drawer.



"Saan ko 'to ibibigay?" Tanong ko pagkatapos ay dinampot na ang portfolio saka na bumaba.



"Diretyo mo na sa clinic ko" sabi niya kaya naman pinatay ko na ang tawag saka na sumakay sa sasakyan. Nakatingin ako sa labas ng hospital. Sobrang tagal ko na rin palang hindi pumupunta dito.



"Good Afternoon Ma'am, long time no see" sabi ni manong guard. Ngumiti lang ako saka na nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating ako sa tapat ng clinic niya ay kumatok ako ng isang beses bago pumasok.



"Oh hi!" Gulat na bati ko ng makita kong may ibang tao. Nagtatakang nakatingin sa'kin ang babae. Ito ata iyong babaeng hinanap niya. Medyo maganda, pero mas maganda ako 'no! Nag-iwas ako ng tingin saka dumiretyo sa lamesa ni Alex. Inilapag ko nalang iyong portfolio saka na sana lalabas ng biglang magsalita iyong babae.





"Excuse me, sino ka?"



"Hindi ako sinuka, pinanganak ako" sabi ko kaya naman siya napakunot ng noo. Pinanatili ko ang seryoso kong mukha kahit sa kaloob-looban ko ay tawang-tawa na'ko.



"I'm Avani, Ava for short" pagpapakilala niya saka nag lahad ng kamay.



"I'm beautiful, pretty for short" sabi ko naman saka tinanggap ang kamay niya.



"I'm Alex long time friend-"



"Who?" Pagputol ko.



"Alex"


"Asked" sabi ko ngunit pabulong lamang iyon.





"Oh Ry!" Napatingin kami sa may pinto.



"Nasaan na?" Tanong niya ng makalapit sa'kin.



"Ayon" Turo ko sa may lamesa niya.



"Alis na 'ko" Paalam ko saka na sana maglalakad paalis ng hawakan niya ang kamay ko.



"Hintayin mo na 'ko, kumain kana ba?" Tanong niya kaya naman ako napangisi.



"Hindi pa" sagot ko saka binawi ang kamay ko.



"Sabay na tayo" suggestion niya bago naglakad papunta sa mesa niya.



"Pero may lakad tayo ngayon!" Biglang sabi Ave, Avi, bastat nitong babaeng asungot.



"Ayon pala eh, alis na 'ko" sabi ko saka naglakad paalis hindi na hinintay ang sasabihin ni Alex.





"Ay!" Gulat na sigaw ni fitz ng padabog kong isinara ang pinto ng clinic niya. Naiirita akong umupo sa upuan habang inaalala ang kaartehan nung babae.



"Mayapa "diba may lakad tayo?" nyenyenye" Naiiritang gaya ko.



"Napano ka?" Tanong ni Fitz.



"Wala!"



"Sus! Ano nga?"



"Wala nga! May nakita lang akong higad! Gusto kong patayin kaso may tao!"



"Higad where?" Maarteng tanong niya kaya naman tinignan ko siya ng masama.



"Isa ka pa! Huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Para kang malandi!" Sabi ko kaya naman siya napahinto ng kaunti saka humagalpak sa tawa.



"Napano ka ba? Sinong kaaway mo?" Tumatawa paring sabi niya.



"Wala, nairita lang ako don sa kasama ni Alex na babae! Sobrang arte kala mo naman maganda" sabi ko saka umirap sa hangin.



"Wait, are you jealous?" Tanong niya kaya naman ako napatingin sakaniya.



"Ako? Nagseselos? Ha! Ulol!"



"Then why are you acting like that?" Tumatawang tanong niya.



"Dahil ayoko sa haliparot!" Sigaw ko kaya siya mas lalong natawa. Naluha pa si tanga dahil sa kakatawa.



"Paano mo naman nasabing haliparot?"



"Dahil sa pagsabi niya ng "diba may lakad tayo" like bitch so pabebe, sarap ipukpok"



"It's cute seeing you being pissed on someone because you're jealous" tumatawang sabi niya kaya ko siya sinamaan ng tingin.



"I. Am. Not. Fucking. Jealous!" I shouted then turned my back and walked away.





Umuwi na lang ako saka nag bake ng cookies pagkatapos ay nanood ng kung ano-ano. Nang kinagabihan ay nagluto ako ng makakain namin saka nalang hinintay si Alex. Mag aalas siyete na ng gabi ng umuwi si Alex. Nagising lang ako dahil sa padabog na pagkakasarado ng pinto.





"Hoy! Sisirain mo ba 'yung pinto!" Masama ang tingin na sigaw ko sakaniya.



"Ry! Gising kapa pala!" Sabi niya habang naglalakad papalapit sa'kin, nang makalapit siya ay umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. Lumayo ako kaagad dahil sa amoy alak niya.



"Uminom ka ba?!" Tanong ko habang pinupunasan ko ang ilong ko para kaagad mawala ang amoy ng alak.



"Hindi!" Sabi niya saka pilit na lumalapit sa'kin.



"Ulol! Hindi kapa, amoy na amoy ka nga! Kasama mo bang uminom yung babaeng haliparto na 'yon ha?! Kapag ikaw naaksidente sa daan 'a!" Sabi ko pagkatapos ay tumayo upang umiwas sakaniya na dahil pilit siyang lumalapit sa'kin.



"Oo, uminom ako! Oh? Ano naman ngayon sa'yo kung maaksidente ako?" Tanong niya kaya naman ako napatitig sakaniya.



"W-Wala! Wala akong pake kung maaksidente ka o mamatay! Gusto mo naman yan! Bastat makasama mong uminom 'yong babaeng 'yon!" Naiiritang sigaw ko kaya naman siya napatitig sa'kin.



"Alam mo Ry, If you keep acting like that, imma get the wrong idea. It's confusing me" Medyo mapungay na ang mga matang sabi niya.



"What idea? I'm just concerned here! Bahala ka! Buhay mo yan!" Sabi ko saka na siya tinalikuran ngunit hinawakan niya ang kamay ko saka ako hinila paupo sa tabi niya.



"The idea..." pagsasalita niya habang nakatingin ng diretyo sa mga mata ko.



"W-What?"



"Of..." His face is getting closer and closer.



"O-Of what? W-Why are you getting closer?" I asked nervously.



"Y-You..." He pointed at me still staring at my eyes. Bumaba ang tingin niya sa labi ko saka ulit dahan-dahang tumingin sa mata ko. Palapit ng palapit ang mukha niya sa mukha ko. I want to push his face away but my hands wouldn't move.



"You liking me back"



"Wha-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa ginawa niya. I felt his soft lips in mine. Tinulak ko siya papalayo saka ako kaagad na tumakbo papunta sa hagdan.



"You drunk ass bitch!!" Sigaw ko saka na tumakbo papunta sa kwarto ko.
_________________________________________

Keep safe^_^

Live, Love, Longer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon