FIRST LOVE"Twinning!" Nakangiting sabi ko ng matapos ang tattoo ni Alex. Siya naman ay seryoso lang ang ityura.
"Ano yan?" Tanong ko sa isa niyang tattoo nasa ibaba ng pinalagay din niyang puso.
"Basahin mo"
"la encontre, huh? Ano 'yon?" Nagtatakang tanong ko. Ngumisi lang siya at nagkibit balikat.
"Eh ikaw ano 'yan?" Turo niya sa pa bracelet kong tattoo.
"Vis ta vie comme tu veux parce qu'elle a une fin" basa niya.
"What does it means?" Tanong din ni Lance.
"It means Live your life the way you want because it has an end" Sabi ko saka ngumisi sila naman ay nakatingin lang sa'kin.
"Lex ayos kapa?" Natatawang tanong ni Lance kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Alex.
"Tingin nga" sabi ko, hinihingi ang kamay niya para matignan ko. Nagtataka naman siyang tumingin sa'kin kaya ako nalang mag-isa ang kumuha sa mga ito.
"Ay, hala sorry" sabi ko habang hinahaplos ang mga kamay niyang may mga sugat dahil sa pagpisil ko kanina, medyo mahaba kasi ang mga kuko ko.
"May gamot ba kayo para sa sugat?" Baling ko kay Lance.
"Ha? Ah ... Meron" Umalis naman siya sa harapan namin para kuhanin iyong panggamot.
"Bakit kasi hindi ka nagreklamo" sabi ko habang gingamot ang mga sugat niya.
"Ano 'to? Ginagamot mo ba talaga ako? O mas sinusugatan?" Kunot noong sabi niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"May sinasabi ka?" Mataray na tanong ko.
"Oo!" Masungit na sagot niya kaya naman ako napataas ng kilay at mas lalong diniinan ang hawak na bulak sa mga sugat niya.
"Shit!" Sigaw niya habang tinatapik ang kamay kong may hawak na bulak.
"May sinasabi ka?" Pag-uulit ko.
"Wala!"
"Good" Ngumiti ako saka na ipinagpatuloy ang paggamot sakaniya hanggang sa matapos.
"Inuman na!" Napatingin ako sa dumating na si Steven na may hawak na beer.
"Ito oh" Abot sa'kin ni Lance, kukunin ko na sana ito ng may nauna sa'kin.
"Bawal siyang uminom" seryosong sabi ni Alex.
"Pwede!" Sabi ko saka inagaw ang bote ng alak sakaniya.
"Hoy tumigil ka nga! Kababae mong tao lasinggera ka!" Masama ang tingin na sabi niya habang nakikipag-agawan sa'kin nitong bote ng alak. Sumimangot naman ako saka binitawan ang bote.
"Cheers para sa bagong kasal!" Sigaw ni Lance kaya naman kami napatingin sa kaniya.
"Este bagong tattoo" Sabi niya ulit.
"Cheers" sabay sabay na sabi namin. Sumimangot naman ako habang tinitignan silang uminom ng hawak nilang beer. Tinignan ko ang hawak kong juice saka tinignan ng masama si Alex. Ang unfair juice lang akin!
BINABASA MO ANG
Live, Love, Longer
Teen FictionNote: Hindi pa 'to na eedit so pasensya na sa wrong grammar/s and typographical error/s. Isabel Riley Rodriguez has a heart disease, she was never afraid of death but she never leaves her comfort zone. Her heart disease became critical that she need...