Happy birthdayIsang buwan na ang lumipas simula ng araw na 'yon. Wala naman nagbago mas naging close lang talaga kami ni Alex. Hindi ko alam kung paano ko ma-eexplain pero kung noon ay close na kami mas dumaboble pa ito ngayon. Masasabi ko ng dahil rito ay mas lumalim ang nararamdaman ko kay Alex ngunit hindi ko ito sinasabi.
Minsan nagbabangayan kami na kesyo nahulog na daw ako sakaniya, kesyo mahal ko na daw siya. Kapag napag-uusapan namin ang tungkol sa mga bagay na 'yon ay todo tanggi ako. Kahit naman lumalim ang pagtingin ko sakaniya ay hindi ko pa rin papalitan ang mga plano ko, hindi siya pwedeng masaktan. Mas pipiliin kong ako nalang ang magtiis at madusa, hindi ko kayang makitang nasasaktan si Alex dahil sa pag-ibig na mawawala din kinalaunan.
Sa buong isang buwan ay palagi kaming out of town ni Alex. Ang pinaka-una naming pinuntahan ay ang baguio. Ang head to mines view park rito ay napakagandang titigan, mapapasabi ka nalang na "babalik balikan ko ang lugar na ito". Kita kasi rito ang mga bundok at halos mga puno, may mga ilaw rin na galing sa mga lugar na may bahay.
Sumunod naman ay nag horseback riding kami. Nung una ay takot ako dahil baka mahulog lang ako rito kaya naisipan ni Alex na magsama nalang sa isang kabayo. Sige na maharot na 'ko, judger kayo ha!
Ang pinaka huli naming pinuntahan ay ang strawberry farm sa La trinidad. Sobrang ganda ng tanawin lalo na kung addict ka sa strawberry "heaven" ang masasabi mo sa sobrang dami ng mga ito.
The next week ay pumunta kami sa negros occidental. Halos umitim na kami dahil palagi kaming nasa tubig. First we went to Mag-aso Falls, sobrang ganda ng tanawin rito at sobrang bait din ng mga tao, siguradong ma-eenjoy mo ang pagpunta rito. Sumunod ay pumunta kami sa Danjugan Island. Nag snorkeling kami pati na rin ng bird watching at scuba diving. It was such a nice place.
Lastly we went to The Ruins. Ang ganda ng mansion na ito dahil sa pagkakaalam ko ay binuo ito ni Don Mariano Lacson dahil sa kanyang walang katapusang pagmamahal sa kaniyang asawa. It was such a romantic place because of the history of the place, sa labas ng mansion ay mayroong fountain dito. Magandang kumuha ng mga litrato dito lalo na kung wedding pictorial. Dun natapos ang nakakapagod na isang buwang pag-travel namin.
Kahapon ay nag general cleaning kami ni Alex, nakita ko 'yong mga singsing na binigay ni mama sa'kin. Naisip kong ibigay sana ito kay Alex kahit as a gift lang kesa naman masayang ito. Naalala ko rin 'yong binigay na kwintas sa'kin ni Shawn tinanggal ko na ito at nilagay sa isang box saka na ito tinago. Hindi ko naman na maisusuot yon dahil parang ang awkward lang.
Halos kakatapos lang namin kumain ng hapunan ni Alex at kakatapos ko lang din maligo. Nang makababa ako ay nakita ko si Alex na naghahanap ng mapapanood sa nexflix. Nag-aya kasi siyang manood ng movie dahil nahihirapan raw siyang matulog. Pumayag naman ako dahil hindi pa rin ako inaantok.
May mga chips, popcorn, at can beer sa center table. Umusog naman si Alex para makaupo ako, nagtataka itong nakatingin sa'kin.
"What?"
"Himala, wala na iyong kwintas mo"
"I decided not to wear it na. Baka makita pa 'ko ng pinsan mo na suot-suot 'yon mapagkamalan pa 'kong may gusto sakaniya" Pagpapaliwanag ko bago kumain ng popcorn.
"Bakit wala ba?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya.
"Wala, wala na" sagot ko saka ngumisi, umirap naman siya saka na nagpatuloy sa paghahanap ng panonoorin namin.
Napagdesisyonan naming manood nalang ng anime 'attack on titan' parang bigla akong nainlove. Umabot kami ng ilang oras sa panonood, medyo pumipikit-pikit na ang mga mata ko ngunit pinipigilan ko ang pagtulog dahil maganda ang palabas.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko kay Alex ng bigla itong tumayo.
"May kukunin lang" paalam niya saka tumakbo papunta sa taas.
"Ano yan?" Tanong ko ng bumalik siyang may dalang malaking kulay na pink na box.
"Open it" Nakangiting sabi niya ng mailapag ito sa sahig. Nakakunot noo ko itong binuksan. Gulat naman akong napatingin kay Alex ng mabuksan ito.
"No way" Umiiling na sabi ko, hindi makapaniwala. May malawak na ngiti sa kaniyang labi habang tumatango.
"No" hindi pa rin makapaniwalang sabi ko.
"Anong no? Totoo nga 'yan!" tumatangong sabi niya. Tumili ako saka nagtatatalon pagkatapos ay niyakap siya. Tatawa-tawa niya naman akong niyakap pabalik.
"Happy birthday" He whispered.
"Bukas pa" sabi ko saka lumapit sa box at kinarga ang maliit na asong nandoon. Nang makaharap ako sakaniya ay nakatutok sa'kin ang kaniyang phone screen, pinapakita ang oras. It's already 12:11 am, so ibig sabihin... Today is November 16.
"It's november 16? It's november 16! It's my birthday!!" I shouted out of joy.
"It's my birthday, baby" I sweetly said to the dog.
"It's my birthday!" Masayang baling ko kay Alex na may malaking ngiting tatango-tango. Umupo ako sa sofa habang hawak hawak ang tuta.
"What's her name?" Tanong ni ko kay Alex habang nakikipaglaro sa aso.
"I don't know, what would you name her?"
"Maybe honey"
"Honey?"
"Yes, honey..." sabi ko habang nakatingin kay honey na dinidilaan ang kamay ko.
"Do you like that baby?" I asked, habang patuloy pa rin nitong dinidilaan ang kamay ko.
"Honey" sabi ni Alex saka ito hinaplos.
Nang mapagpasyahan naming matulog na ay niligpit namin ang mga kalat sa center table. Si honey ay todo sunod sa'min ni Alex kung saan kami pupunta. Natulog ito sa tabi ko, she was so happy and I'm also happy.
Nagising ako na wala na si honey sa tabi ko. Nang makababa ako ay nakita ko si Alex na nagluluto ng agahan habang si honey ay nakatingin sa kaniya.
"Ayan na mommy mo" sabi ni Alex kay Honey, kaya kaagad namang tumakbo papalapit sa'kin si Honey.
"Goodmorning, baby" I said then lifted her up and kissed her little nose.
"Ako walang kiss?" Tanong ni Alex. Nang bumaling ako sakaniya ay nakanguso siya na parabang hinihintay ang kiss ko.
"Gago" Umiiling na sabi ko bago binitawan sa sahig si Honey at umupo sa upuan.
"Ano handa mo?" Tanong niya ng maka-upo na rin.
"Secret" nakangiting sabi ko.
"Ano nga?!"
"Secret nga! Atyaka bakit ka nagagalit?!" Nakakunot noong sabi ko.
"Hindi ako nagagalit, nagtatanong lang" Malumanay na sabi niya.
"Yan, ganyan dapat. Tawagin mo sina Lance"
"Bakit?"
"Mag-iinom tayo!!"
_________________________________________Keep safe ^_^
BINABASA MO ANG
Live, Love, Longer
Teen FictionNote: Hindi pa 'to na eedit so pasensya na sa wrong grammar/s and typographical error/s. Isabel Riley Rodriguez has a heart disease, she was never afraid of death but she never leaves her comfort zone. Her heart disease became critical that she need...