CHAPTER 12

356 20 1
                                    


Love

Kanina pa akong alasais nagising ngunit hindi ako bumababa dahil ayoko pang makita si alex.Nakatingin lang ako sa kisame iniisip ang mga nangyari kagabi.



"What does he mean of the word "back" Does he...." Napailing naman ako sa naisip ko.



"He's just drunk, ok? Ok... " Napabuntong hininga ako bago tumayo at lumabas ng kwarto. Nang makababa ako sa hagdan ay wala akong nakitang tao kaya naman nakampante ako.




"Ay!" Gulat na sigaw ko ng makasalubong ko siya ng papalabas siya ng cr habang ako naman ay papasok sa kusina.



"R-Ry" parang gulat na sabi niya.



"O-Oh Good m-morning" bati ko saka na naglakad papasok sa kusina. Nagluto muna ako ng agahan saka na naligo.





Naabutan kong nakaupo si Alex sa hapag kainan. Nakakunot ang noong tinitignan niya ang hawak na portfolio. Napa-angat siya ng tingin ng maglikha ng konting ingay ang upuan na hinila ko.



"Pupunta kang hospital?" Tanong ko ng maka-upo ako. Tumango naman siya bilang sagot. Nagdasal muna kami bago kumain.



"Ano nga palang nangyari kagabi?" Biglang tanong niya, napaabot kaagad ako sa tubig ng bigla akong mabulunan.



"H-Ha?"



"Anong h-ha?" Pagiinis niya pagkatapos ay tumawa. "Wala kasi akong maalala sa nangyari, ang alam ko lang ay inihatid ako ni Ava dito...." pagpapaliwanag niya. Nakatingin lang ako sa kaniya habang inaalala ang mga nangyari kagabi.



"Wala din akong maalala" sabi ko saka na nagpatuloy sa pagkain. Ayoko ng alalahanin 'yon masisira lang 'yung araw ko.



"atyaka sa part na hinalikan mo 'ko" Napa-angat naman ako ng tingin ng bigla niyang sinabi iyon. Halata sa kaniyang ityura ang pagpipigil ng tawa habang nakatingin sa'kin.



"Hayop ka! Ako patalaga ang nanghalik sayo! Ang kapal mo!" Sabi ko habang masama ang tingin sa kaniya.



"Bakit hindi ba? Tinulak mo panga ako pahiga sa sofa" Sabi niya habang nakatingin sa kisame na para bang inaalala ang nangyari.



"Gago! Ikaw kaya ang nanghalik! Maypasabi-sabi ka pangang "you liking me back" Ulol!" Sabi ko habang dinuro-duro siya.



"Oh so ganon pala ang nangyari" Tumatangong sabi niya kaya naman ako napatitig sakaniya. Natawa naman siya sa reaksyon ko.



"Tangina mo!"



"Sinabi ko pala 'yon, So anong itatawag ko sayo?" Tanong niya dahilan upang mapakunot noo ako, ano nanaman bang iniisip nito?



"Love? Babe? Baby? Darling? Sweet heart? Mahal?" Tumatawang sabi niya.



"Yuck! You can only call people does names kapag merong kayo or may label kayo!"



"Ganon ba? So.... lalagyan naba natin ng label?" Tanong niya kaya naman ako napa-nganga. Binato ko siya ng kutyara ngumit nakaiwas siya.



"Tigil tigilan mo ang paginom ha?! Kung ano-ano ang ginagawa at pinagsasabi mo" sabi ko bago ipinagpatuloy ang pagkain.



"Masaya kaya"



"Masaya? Alin ang masaya don?"



"Masaya 'yung part na nahahalikan kita" sabi niya saka tawa.



Live, Love, Longer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon