CHAPTER 28

328 18 1
                                    


Steven P.O.V

We are all inside the operating room, operating ry. Sobrang seryoso ng mga tao at ayaw nilang mag kamali dahil siguradong isang pagkakamali lang ay maaring mamatay si ry.



Kaninang saktong ala una nagsimula ang operasyon at hangga ngayon ay hindi pa rin tapos. Kung titignan mo kasi ay masyado na kaming matagal rito. Alas tres na ng hapon ngayon at parang wala man lang nararamdamang ngalay ang mga tao, napaka seryoso ni Alex at focus na focus siya sa kaniyang ginagawa. Napangiti ako dahil rito, gustong-gusto niyang mailigtas si ry.



Simula pa lang ay alam ko ng si ry ang magpapabago kay Alex na kapag dumating siya ulit ay siguradong mas magiging masaya si Alex. Nung una pa nga ay hindi talaga ako makapaniwala na nakita na niya si ry, dahil isipin mo ang ilang years na hindi nila pagkikita ay hindi pa rin sumuko si Alex sakaniya.



Ry is Alex's everything, hindi lalaban ng ganito katagal si Alex kung wala si ry. Kumbaga si ry ang oxygen niya para mabuhay, siya ang buto ni Alex para makagalay sa araw-araw, siya rin ang dahilan ng pag-ngiti niya.


Alam ko sa lahat ng mangyayaring 'to hindi lahat magiging maganda, hindi lahat magiging masaya. Magkakaroon ng problema, hindi pa ito ang tatapos sa lahat, hindi pa ito ang magiging dahilan ng kasiyahan ng lahat. May nararamdaman akong mali eh.



Bigla akong napatigil sa pag-iisip at parang nabalik sa realidad ng biglang may nag-ingay. I froze as I look at the machine where you can see ry's heartbeat. I looked at Alex and he was looking at the machine too, ry's heartbeat became a flatline.





Ash P.O.V

Napatayo ako ng biglang may mga nagmamadaling nurse ang pumasok sa operation room.



"Excuse me" pagpigil ko sa isa kaya naman siya napahinto.



"What's going on?" I asked.



"The patient heartbeat became a flatline and the doctor called some more nurses, excuse me" sabi niya, nakatunga ako at bigla nalang napabagsak ang katawan ko sa sahig. Umiiling akong napatakip sa mukha ko, My tears flowed as I think of what the nurse said.



"No... no...." I whispered.



"No" I cried.



"Ash" I heard Eric said. Humarap ako saka pinunasan ang mga mata ko.



"It's not true right?" Tanong ko pero hindi siya sumagot.



"Answer me!" Hindi ko na napigilan ang pag-sigaw.



"Alex is doing everything he can" He only said.



"What if ry wouldn't do everything she can?" I asked then my tears dropped again.



"I thought she promised you that she will fight, Don't you trust her?"



"I do but... but what if she's tired? What if she already want to rest?"



"Then you just have to accept it, you just have to be happy because she's finally at rest" I cried becuase of that. Hindi pa 'ko handang mawala si ry, nangako siya sa'kin na hindi siya susuko. Naniniwala akong lalaban siya at naniniwala akong gagawin ni Alex ang lahat mabuhay lang siya.



Ilang oras na ang lumipas, andami na ring nangyari. Dumating kanina sina mama para makibalita kung kumusta ang operasyon ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring balita. Sa bawat oras na lumilipas ay madami ang pabalik-balik na nurse sa operating room. Madami ding doctor ang pabalik-balik at nagpapalit-palit ngunit si Alex ang pinaka hindi pa lumalabas simula kanina.



Noong unang lumabas kanina si Steven ay nakahinga kami ng malalim dahil na revive daw si ry, pagkatapos ng ilang minutong lumipas non ay dumiretyo nanaman ang linya ng pagtikbok ng puso niya. Ilang beses naulit yon, kaya parang mas nagkaroon sila ng lakas para isagawa ang operasyon dahil nararamdaman daw nila na lumalaban si ry.



Nakuha ng mag-gabi at hindi pa rin natatapos ang opersyon, halos kakatapos lang namin kumain ni Eric. Nandito pa rin kami sa labas ng operating room, naghihintay.



"Kausapin niyo siya, simula kaninang hapon ay hindi pa siya nagpapahinga at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kumakain" sabi ko kay Steve. Pangalawang beses na siyang lumabas ngayon galing sa operating room at si Alex ay hindi pa rin lumalabas, hindi pa rin siya kumakain.



"Kanina pa namin siya kinakausap ngunit dinidedma niya kami, kung hindi niya kami dinededma ay sinisita niya kami na mag focus daw sa ginagawa namin" sabi niya saka nagbunting hininga.



"Akala ko ba may doctor namang papalit sakaniya?"



"Oo, 'yung pinaka head namin ngunit kahit siya ay dinededma ni Alex. Muntikan na nga akong matawa e dahil pati ang head namin ay ginaganon niya" natatawang sabi niya, napangiti naman ako dahil don. Desidido si Alex na mailigtas si ry.





"Wala pa rin ba?" Tanong ni Mama ng makalapit sila sa'min.



"Ang sabi ho ni Steven kanina ay matagal-tagal pa ang operasyon lalo't nahihirapan si ry sa nangyayari" pagpapaliwanag ko. Kanina ay paulit-ulit talaga ang pag diretyo ng linya ng pagtibok ng puso ni ry, nagkaroon ako ng lakas ng dahil don dahil kahit gaano ang hirap na dinadanas ni ry ay patuloy siya sa paglaban.



I knew ry since we were a baby. Madami na siyang pagsubok na dinaanan. Naisipan na rin niyang sumuko pero nilalakasan pa rin niya ang loob niya. Andami niyang pangarap sa buhay niya at iilan lang don ang natupad dahil sa kalagayan niya. Alam kong sumaya si ry ng dumating si Alex sa buhay niya. Ramdam naming lahat ang saya niya kapag magkakasama kami.



Napatingin ako kay mama ng marinig ko siyang humihikbi, my mother is crying. "Sa palagay mo ba lalaban pa siya?" She asked me.



"M-Ma"



"Alam ko na kahit hindi sinasabi sa 'kin ni ry ay nasasaktan siya, gabi-gabi ko siya noong nakikitang umiiyak dahil sa sakit na nararamdaman niya. Ang daming pagsubok ang nilabanan ng batang 'yon, ang daming masasakit na bagay ang dumating sa buhay niya. Sa palagay mo ba na ngayong may tyansa na siyang magpahinga ay lalaban pa siya?" She asked again, my tears dropped.



She's right. Ry have the chance now to be at peace, would ry fight? Palalampasin ba niya ang pagkakataong ito para makalaya na siya sa lahat ng sakit? Palalampasin ba niya ang pagkakataon na 'to para makasama ang mga magulang niya?





Napatingin ako sa pinto ng operating room ng makitang bumukas 'yon, Lumabas dito si Alex na bagsak ang mga balikat na nakatingin sa'min. Kita sa ityura niya ang pagod.



Napatunganga ako habang nakatingin sakaniya, Bakit wala siyang sinasabi? Bakit parang hindi siya masaya? Anong nangyari sa loob? Tapos na ba ang lahat?
_________________________________________

Keep safe^_^

Live, Love, Longer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon