CHAPTER 04

455 34 15
                                    


NECKLACE

"Bat mo kasi nilakasan 'yong pagkakabangga mo?" Tumatawang tanong ko kay Alex pagkapasok namin sa bahay.



"Hoy! Hindi ako, ikaw" pambibintang niya.



"Ikaw kaya!" Tumatawang sabi ko.



"Mabuti na nga lang hindi nasaktan yung bata" dagdag ko.



"Nagsumbong sa nanay ampota" Naiiling na sabi niya na mas ikinatawa ko.



"Nagsumbong ba? Kaya pala hinila mo 'ko paalis"



"Kakain kapa ba?" Pagiiba niya sa usapan. Umiling naman ako "Matutulog na 'ko" paalam ko saka na naglakad paakyat.





Pasado alas siyete na ng gabi, hanggang ngayon ay hindi pa din ako natutulog. Tinitignan ko ang mga litrato na kinuha kanina, plano kong kasing ilagay ang mga yon sa kwarto ko. Huminga ako ng malalim bago lumabas at pumunta sa ibaba para kumuha ng maiinom, kumuha ako ng alak saka umakyat papunta sa veranda.



Nakakita ako nga anino at ng makalapiy ako sa ilaw ay nakita ko si Alex, dahan dahan akong lumapit papalapit sa kaniya.



"Hoy!" panggugulat ko.



"Tangina!" sigaw niya.



"Ginagawa mo dito?" Tanong ko ng makaupo ako sa tabi niya.



"Senti senti lang, hindi ako makatulog, ikaw?"



"Wala gusto ko lang makita ang buwan" sagot ko pagkatapos ay binuksan ang dala kong beer "Oh" abot ko sakaniya ng isa ko pang dalang beer.



"Bawal sa'yo 'to 'a?!" Masama ang tingin na sabi niya sa'kin habang kinukuha ang beer sa kamay ko.



"Ulol! Sa puso ang sakit ko, hindi apektado ng alak yon" sagot ko naman saka na bumaling sa langit.



"Mag kwento ka nga"



"Ano namang ikukwento ko?"



"Kahit ano" sabi ko pa sabay inom sa hawak kong beer.



"Ano bang gusto mong malaman tugkol sa'kin?" Tanong niya kaya naman ako napatingin sa kaniya, nakatingin din pala siya sa'kin kaya naman kaagad akong nag-iwas ng tingin.



"Iyong tungkol nalang sa babaeng hinahanap mo"



"Oh, ano gusto mo malaman tungkol sakaniya?"



"Bakit mo siya hinahanap?"



"Simple lang dahil may pangako ako sa kaniya" walang paligoy-ligoy na sagot niya kaya napabaling ako sakaniya.



"Pangako? Anong klaseng pangako?" Nakakunot noong tanong, chismosa alert.



"Ipinangako ko sa kaniya na hahanapin ko siya pagka naging successful na'ko sa buhay, kapag kaya ko ng buhayin ang sarili ko" sagot niya, tumango naman ako saka na ulit tumingin sa kalangitan.



"Nililigawan mo?"



"Hinde..." natatawang sagot niya "mukhang takot na siyang magmahal"



"Paano mo siya nakilala? Kababata mo?"



"Parang ganon na nga, naging kaklasi ko siya noon, buong school year kami ang magkaibigan kaso kinailangan nilang umalis ng bansa"



Live, Love, Longer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon