AMUSEMENT PARK"Hoy! Kanina pa 'ko nag-aantay sa baba!" rinig kong sigaw ni Alex sa labas. Binuksan ko naman ang pinto habang nakatingin ng masama sakaniya.
"Bakit ba nagmamadali ka?!"
"Anong nagmamadali?! Kanina kapa kaya nandiyan! Akala ko nga patay kana eh!"
"Gusto mong ikaw patayin ko?" Masama ang tingin na tanong ko sakaniya.
"Ay hehe joke lang, tara na kasi!" Tinalikuran ko siya para kuni 'yong bag ko sa kwarto.
"Tara na" Aya ko pagkabalik saka na naunang naglakad. Siya na rin ang nagsarado ng pintuan ng bahay, ako naman ay inilabas ang sasakyan.
"Saan tayo?" Tanong niya ng makapasok sa sasakyan.
"Basta" sagot ko saka na pinaandar na ang sasakyan.
"Anong ginagawa natin dito?" Baling niya sa'kin.
"Ito ang unang gusto kong gawin"
"Ano ka bata? Amusement park ang nais" Inirapan ko lang siya saka na naglakad papasok.
"Sakay tayo dun" Nakangiting turo ko sa Vikings.
"Sigurado ka ba?" Tanong niya naman tumango naman ako bilang sagot.
"Hindi ka pwede diyan, may sakit ka sa puso diba"
"Edi huwag nating sabihin"
"Gusto mo bang mawalan ng trabaho yun" Nakaturong sabi niya sa staff kaya naman mas napasimangot ako. Hinila niya ako paalis don.
"Dito tayo!" Nakangiting sabi niya. Ako naman ay nakatingin lang sa kaniya.
"Balloon and Dart?" Nagtatakang saad ko.
"Tignan mo ha! Watch and learn" Mayabang na sabi niya pagkatapos ay itinira ang hawak na dart.
"Ay bobo" Sabi ko ng hindi tumama sa lobo ang dart. Tumira siya ulit ngunit hindi ito tumama.
"Maypa watch and learn kapa 'a" nakangiwing saad ko kaya naman niya ako sinamaan ng tingin.
"Practice lang 'yon, eto na talaga" Pagmamayabang niya pagkatapos ay itinira ulit ang hawak na dart. Tawa ako ng tawa dahil sa kayabangan niya.
"Oh practice pa din 'yan, 'no?" Tumatawang sabi ko kaya naman siya napasimangot.
"Ako naman, Watch and learn" Panggagaya ko sa sinabi niya kanina pagkatapos ay nagbayad sa nagbabantay.
"Yon!" Pumapalakpak kong sabi ng tumama ang dart sa lobo.
"Tiyamba" Rinig kong bulong niya.
"Oh eto, para sayo" pagmamayabang ko pagkatapos ay kinindatan pa siya.
"Oha! Oha!" Tumatawang sabi ko ng bumaling sa kaniya.
"Madaya!" Reklamo niya.
"Isa pa ha! Tignan mo ng mabuti, walang kukurap" Sabi ko saka itinira ulit iyong hawak kong dart.
"Iyan! 'Yan palang ang watch and learn" Itinuro ko ang stuff toy na gusto ko.
"Oh ano? Saan tayo next? Nang makapag yabang ka naman"
BINABASA MO ANG
Live, Love, Longer
Teen FictionNote: Hindi pa 'to na eedit so pasensya na sa wrong grammar/s and typographical error/s. Isabel Riley Rodriguez has a heart disease, she was never afraid of death but she never leaves her comfort zone. Her heart disease became critical that she need...