CHAPTER 09

360 25 0
                                    


Sorry

Days went by so fast nothing really changed except the fact that Alex and I became really close to each other.



"Hoy!" Rinig kong sigaw ni Alex sa labas ng kwarto ko.



"Hoy! Depotang Riley!" He shouted then knocked on the door.



"Ano ba?! Sisirain mo ba 'yung pinto?!" Masama ang tingin na sabi ko ng mabuksan ko ang pinto.



"Kanina pa kita ginigising!"



"Bakit ba?!"



"Nasa baba pinsan mo" Sabi niya kaya naman biglang nanlaki ang mga mata ko.



"Sa pagkaka-alala ko nasa bahay ako ni Riley hindi sa bohol" Seryoso paring sabi niya kaya namam sinamaan ko siya ng tingin.



"Sabihin mo saglit lang, maliligo lang ako"



"Sabihin mo, matutulog ako" sabi niya saka na naglakad papunta sa guest room.



"Kakauwi mo lang ba?" Tanong ko, tumango naman bilang sagot. Naghilamos na muna ako bago bumaba.





"Oh bat ka nandito?" Tanong ko kay Ash ng maka-upo ako sa tabi niya.



"Bawal na ba akong pumunta dito?"



"Bawal" sabi ko na ikinatawa niya pagkatapos ay may inabot siyang isang envelope. Binuksan ko ito at binasa, gulat akong napatingin kay Ash ng mabasa ko ang nakasulat rito.



"Totoo ba 'to?" Gulat paring tanong ko, napangiti naman siya at tumango.



"Aray! Bat mo ko hinampas?!" Reklamo niya.



"Hayop ka! Bat hindi ko man lang alam na nagka boyfriend ka?!"



"Hindi ko na pinaalam sayo dahil alam kong susungitan mo!" Masama padin ang tingin na sabi niya.



"Sino naman 'yong lalake? Wala ka bang balak ipakilala sa'kin hanggang sa kasal niyo?" Naiinis na tanong ko.



"Meron naman hehe, pupunta siya ngayon dito. Nauna lang ako"



"Ilang buwan kayo?" Tanong ko.



"Taon" pagtatama niya kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.



"Ilang Taon kayo?" Paguulit ko bago uminom ng juice.



"Tatlo" naibuga ko ang juice sa kaniya dahil sa gulat.



"Paanong tatlong taon?! Eh lagi kitang kasama!"



"Syempre magaling ako" sabi niya saka ngumisi ng nakakaloko habang pinupunasan ang naibuga kong juice.





Lumipas ang ilang oras ng may kumatok sa pinto, tumayo si Ash para tignan kung sino. Napatingin ako sa gawi nito ng may marinig akong pamilyar na boses. Napatitig ako sa lalaking kasama ni Ash, hindi makapaniwalang siya ang mapapangasawa ng pinsan ko.



"Ry si Eric" pagpapakilala ni Ash sa kaniya. Gulat pa rin akong nakatingin rito.


"Hi Ry!" nakangiting bati ni sa'kin.



"Ry!!" Awat sa'kin ni Ash ng pinaghahampas ko si Eric.





Tahimik kaming tatlo habang nakaupo, masama ang tingin ko kay Ash at Eric na panay ang iwas ng tingin sa'kin. Napatingin ako sa hagdan ng marinig ang yapak ni Alex doon. Gulat siyang nakatingin sa'ming tatlo ng makababa siya.



Live, Love, Longer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon