CHAPTER 4

108 8 1
                                    

TANYA'S POV


Nagbabalak akong makinig sa usapan nila Red at Mr. Jericho kaso bigla namang dumaan yung lalaki kahapon at kinulbit ako.


"Hi, kamusta naman first day mo?" Nakangiti nitong bulaslas.


Napataas ako ng kilay. Ganto ba talaga to?


"Okay naman. Di mo naman sinabi na Archi ka din pala." Sagot ko dito na ikinatawa nya.


"Sorry, but btw, I'm Marcus. You are?" Tanong nito habang nilalahad ang kamay nya.


"Naku, wag mo kong i-chicks hindi kita type." Sabi ko rito na nagpatawa saming dalawa.


Tinanggap ko naman na ang kamay nya,

"I'm Tanya."


Ngumiti sya.


"You know what, you remind me of someone e." Bigla nitong bulaslas na nagpa curious sa akin


"Sino? At bakit naman?" Tanong ko rito.


"I always see you alone din e, just like her. And then, the eyes, there's something." Aniya.


"Hoy! Ang creepy mo na ha!" Sita ko sa kanya.


Tumawa ulit sya. Ano ba to? Masyado naman atang masayahin ang taong to.

"Sorry sorry. But btw, if may part na naguguluhan ka regarding to the subjects, don't hesitate to ask me. I'll help." Aniya.


"Yes, Mr. President." Tugon ko.


Saglit pay may tumawag sa kanya at nagpaalam na aalis na.


Not bad. Mabait naman pala e.


Napasapo ako sa ulo ko.


Tanyatangaaaaaa! Nakalimutan ko tuloy makinig sa usapan nila. Baka ito na ang sagot e.


Badtrip. Lalapit na sana ako sa pinto kaso bigla na itong bumukas at doon ay lumabas si Red.


Hindi nagpapahalatamg nagulat ako sa kanya.


Tumingin sya sakin ng nakangiti.


"Sorry natagalan. Tara na?" Ani nya.


Act normal. Act normal. Act normal.


Ngumiti din ako sa kanya.


Lumapit ako sa kanya at iniaangkla ang aking kamay sa braso nya.


Napatigil sya sa paglalakad saka tumingin sa ibaba at kitang kita ko ang pag hinga nya ng malalim.


Kumunot ang noo ko pero nakaramdam ako ng pag aalala sa kanya.


"Red? Are you okay?... Uyy, anong meron?" Nag aalala kong tanong.


Kita ko ang paglunok nya bago sya humarap sakin.



"Nasakit ang puson ko e." Aniya.

Ha?


"Baka magkakaron ka na?" Nagtataka kong sabi sa kanya.


Tumango sya.


"Mukha nga. T-tara na?" Sagot muli nya.


Habang naglalakad kami papunta sa parking lot ay umiral ang pagka chismosa ko.


She's With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon