BLUE'S POV
Proud na proud akong tumingin sa kanya sa harap ng stage. There she is, almost done delivering her speech.
"That's all, may everyone of us continue to strive hard and become successfuls. Again, congratulations!" Sabi ni Red sa harap.
Nangunguna-nguna ako sa pagtayo pagkatapos nya saka pumalakpak ng husto. Tinawanan ako ng ibang estudyante ngunit ginaya din nila ako at tumayo saka pumalakpak din.
"Whooo! She's my wife!!" Sigaw ko pa.
Lalong nagtawanan ang mga tao.
Nagkatinginan kami ni Red, tatawa tawa syang bumaba ng hagdan saka nagtungo sa tabi ko.
Yes, sa tabi ko. Alphabetical ang arrangement ng upuan at sa ngayon, pareho na kaming Madrideo.
Napangiti ako sa kaisipang 'yon. Noong panahong nag aagaw buhay ako sa emergency room, I really thought katapusan ko na pero noong nakita ko syang naglupasay sa sahig, nagkaroon ako ng pakiramdam na kailangan ko mabuhay.
And God and I know na sya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng himala.
Hindi sya nawalan ng faith sa akin sa Diyos.
Nakabalik ako ng 4th year noon samantalang si Red ay nanatiling tigil sa pag aaral dahil ipinagbubuntis na nya ang aming supling. Kaya heto kami ngayon, sabay nag 5th year college at sabay na magtatapos.
Napakasayang isipin na matapos ang lahat ng paghihirap ay naging worth it naman sa amin.
Red and I fulfilled our promises, we made our own family.
Tuluyan nang umupo si Red sa tabi ko. Agad kong hinawakan ang kanyang kamay.
"Nice one, cum laude." Sabi ko sa kanya.
Tinapik nya ang braso, "Attention seeker."
Tumawa kaming pareho.
Nagtuloy ang seremonyas hanggang sa isa isa na kaming nakaapak ng stage. May kanya kanyang moment ng pagkuha ng toga. May ilang umiiyak, nagtatawanan at kakatwang may ilang ilang parang wala lang.
"Yeheyyyy!! Here comes Mommy and Daddyyy!!!" Salubong sa amin ni Ate Kelsey nang magkahawak kamay kaming lumabas ni Red sa hall.
Agad inakay ni Red si Naya at pinudpod iyon ng halik. Ganon din ang ginawa ko. Sobrang cute ng mag ina ko!
"Picture muna!" Sigaw ni Ate Kelsey.
Nakangiti kaming nagharap ni Red. Nanatiling hawak nya si Naya habang ako naman ay inakbayan ko sya at hinawakan ko naman ang kamay ng anak ko at itinaas yun.
"Okay, 1....2....3....smile!!!"
Nagpose kami. Humingi pa ng ilang pose si Ate Kelsey bago kami nagpapicture na kasama na ang buong pamilya. Narito ang pamilya ko at pamilya ni Red. Samantalang yung mga kaibigan namin ay nandoon na sa bahay nag aantay.
Pinuntahan ako ni Mommy saka niyapos.
"I'm proud of you son." Sabi ni Mommy ng medyo maluha luha pa.
Ngumiti ako, "Oy si Mommy oh, nagdadrama!" Sabi ko sa mga kasama ko.
Nagtawanan sina Daddy at Red.
"Si Mommy din!" Tumuturong tugon ni Red kay Tita Yanna.
Lalo kaming natawa.

BINABASA MO ANG
She's With Me
Teen FictionBook 2 of She's Red. Disclaimer! before reading this book, it would be better if you read She's Red first to avoid confusions :) Ang laki ng mundo, ang dami din ng tao. Ang dami kong nakakasalamuha, yung iba masaya, yung iba malungkot. Ako si Tanya...