CHAPTER 32

93 7 15
                                    

RED'S POV


Naging madali ang paglipas ng araw. Natapos ang bakasyon namin at muling nagsimula ang panibangong taon sa school.

Maganda ang naging takbo ng aming kumpanya, hindi lang yung Car Company ang nagawa kong pag aralan noon, gayon na din ang pagsilip sa Fernavrino Academy and Subdivisions.


On the other hand, natanggap si Zeus as Marketing Chief. Nakilala ko ang anak nya and fortunately, nakaligtas ito. Kakatwang akala ko ay totoo nyang anak yon pero anak pala iyon ng kapatid nyang namatay na sa kanya lang iniwan.



It's adorable.


Bukod pa doon, simula noong araw na iyon ay hindi ko na muli pang nakita si Blue.


Dumating ang unang araw ng pasukan at labis ang pananalangin ko na sana ay makita ko sya ngunit walang Blue na sumulpot.

Natapos ang buong linggo, buwan at sem ng walang Marcus Blue akong nakita.



Hindi na sya dito nag aaral.



Ilang beses na din akong nagawi sa bar, ngunit ang sabi sa akin ni Ken, hindi na daw nagagawi si Blue doon.



Makailang ulit na din akong nagpabalik-balik sa bahay nila ngunit ang laging isinasagot sa akin nina Tita ay,


"Gustuhin man naming sabihin sayo, nirerespeto lang namin ang desisyon ni Blue."




Wala akong mapagkunan ng balita sa kanya. Ang pagkawala nya ay mananatiling hiwaga sa akin.


Nanatiling torture sakin ang bawat araw dahil umaasa, nag aantay, at nagpapanggap pa din ako na ayos lang at walang kulang.


Hanggang sa isang araw, tinanggap ko nang iniwan nya ako and it's his choice. From that moment, I decided to move forward.



I decided na kalimutan na din sya.



"Red!"

Napabaling ako at napangiti,


"Zeus. Where's Trixie?" Si Trixie yung anak-anakan nya.


"Ayaw sumama, dumating sa bahay yung pinsan nya. Gusto makipag laro." Nakangiti nyang tugon bago tumabi sa pagkaka upo ko sa damuhan.


Narito kami sa park.


Kung titignan ko si Zeus ngayon, malaki na yung pagkakaiba nya noong una kaming nagkita. Magaling sya magdala ng trabaho, hanga din ako sa kanya dahil yung perang sinusweldo nya ay sa small business nya dinadala. Nagagawa nya itong paikutin at palaguin.



"Umaasa ka pa ba na baka makikita mo ulit sya?" Bigla nyang tanong.

Nangiti ako saka umaling, "Hindi na.. Pero I'm hoping na kung nasaan man sya, sana safe sya."


We're pertaining to Blue.


I heard him sighed saka itinuon ang kanyang mga braso sa damo.


"You love him purely..."

Ginaya ko ang pwesto nya.

"Of course, too bad, we're not for each other." I faked my laugh.


Humarap sya sakin, "Can you imagine yourself with other guys except him?"

Sandali akong natigilan sa tanong nya at napaisip...


She's With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon