TANYA'S POV
Dalawang linggo na ang nakalipas matapos yung pangyayari sa Bar. The day after ay hinanap ko si Marcus at nagpasalamat sa kanya about what happened. Hiyang hiya din ako nung una pero sinabi nyang ayos lamang daw at wala yung problema. Naging madalas na din ang batian namin ni Marcus at kung minsan pa ay muli kaming nagkikita sa bar na yun.
Walang dala no? Nadala na naman ako, kaya nga hindi na ako nainom ng alak ng hindi ako mismo ang bumili. Also, I found out na si Blue yung owner nung Bar. Ang galing lang, ang bata nya pa kung tutuusin pero business minded pala. Kaya hindi kataka takang malimit ko din sya nakikita don. So most of the time sya ang nakakausap ko.
On the other hand naman, school is getting harder. Walang problema sa mga minors e but I'm really struggling sa mga majors na may mga plates. I kinda messed up sa drafting.
I sighed. Asa school cafeteria kami ni Red. May one hour vacant kami at parehong gutom na kaya nagpunta kami dito.
"Cheer up Tanya, you'll cope up." Biglang nagsalita si Red matapos ubusin yung pagkain nya.
I pouted. "What should I doooo? Di naman kasi ako kasing galing mo gumuhit." Nagmamaktol ako. Hindi ako nag iinarte pero feel ko lang talaga na nadadown na ko. I'm trying my best din kasi naman.
"It will take time naman e. Hindi naman ako natuto ng sampung trials lang or more than that. Just be patient and don't lose your will to learn. Kaya nga nandito diba? I'll help you naman e." Tuloy tuloy na sabi nya.
Nakaka touch naman.
I smiled at her, "Siguraduhin mo lang na matututo ako Red haaa." Pagbibiro ko rito.
Tumawa kaming pareho.
"Bear with me." Tatawa tawa nya pang dugtong.
Haaay sana nga matuto na ako.
Nag iisip ako nang maramdaman ang biglang pagtayo ni Red.
Napasimangot ako.
"Bakit?" Tanong ko dito.
She smiled, "M-may nakalimutan lang akong ibigay sa Admin. Intayan mo ko, kailangan ko lang talaga iabot." Sabi nito.
Ano naman kaya yon?
"Samahan na kita?". I Suggested.
Umiling sya. "Saglit lang to." Sabi nya pa saka nagmamadaling umalis.
Minsan talaga napaka weirdo din ng babaeng yon. Napabuntong hininga ako. Oh e ano naman gagawin ko dito? Nganga na naman?
"Hi."
Tumingala ako saka ngumiti.
"Uy Marcus. Upo ka." Anyaya ko dito nang makitang nakatayo sa harap ng table namin.
Umupo nga sya.
"Mag isa ka na naman? Wala ka bang kaibigan?" Agad na tanong nito.
"May kaibigan ako. May pinuntahan lang saglit." Nakahalumbabang sagot ko.
Tumawa sya. "What's with you? You look...... tired?" Sabi nya ulit.
I sighed. "I'm struggling sa plate namin sa graphics. Hindi ako magaling sa drafting e."
I heard him chuckled. "Alam mo, sa umpisa talagang ganan. Kukwestiyonin mo ang sarili mo why did you chose architecture but soon after, masasanay ka din and you will find it fun kahit mahirap. Stay positive." Sagot nito.

BINABASA MO ANG
She's With Me
Teen FictionBook 2 of She's Red. Disclaimer! before reading this book, it would be better if you read She's Red first to avoid confusions :) Ang laki ng mundo, ang dami din ng tao. Ang dami kong nakakasalamuha, yung iba masaya, yung iba malungkot. Ako si Tanya...