RED'S POV
"Sigurado ka ba dyan anak?"
Tinignan ko si Mommy ng desidido.
"Yes, please let me do this." I answered.
Napabuntong hininga si Mommy,
"Pere sweetie, 5th year ka na. Isang taon na lang-----"
"Exactly Mom! Isang taon na lang, madali na yon pero yung buhay ni Blue....... H-hindi ko alam kung aabot pa ba ng isang taon." Medyo naiiyak nang sabi ko.
Nilapitan ako ni Mommy saka niyapos. Ilang beses nya hinagod ang likod ko bago magsalita.
"Shhhhh, okay okay. I understand but please, whatever happens next, continue your life."
Kagat ang labi akong tumango tango kay Mommy.
I decided to stop college kahit nasa 5th year na ako.
I want to spend my time with Blue.
With Blue alone.
Ayokong mahahati ang oras ko sa ibang bagay, hanggat maaari ay bawat oras, araw, minuto at maski segundo ay gusto kong kasama ko sya.
We wasted 3 years. Fvcking 3 years.
Nag usap kami ni Zeus. I felt guilty at first for leaving him but he chose to be very understanding. Even though I know na nasaktan ko sya, he still there, saying that if I'm happy this way, he'll be happy too no matter what.
That's love. It's pure, it's selfless.
Nag empake na ako ng mga gamit ko. I'll stay there, uuwi na lang siguro ako kapag may kailangan lang ako kunin.
Habang nagdadrive ay biglang tumunog sa stereo yung kantang 'Little Do You Know'. Napakagat ako sa labi ko, iyon ang unang kinanta namin ng sabay.
Unti unti ay parang bumabalik ako sa dating kami.
Kung paano kami nag-outing sa Nasubgu kasama sina Ate Kelsey at sina Yn.
Kung paanong ilang beses kaming nagbangayan ng parang mga bata.
Kung paano nya akong ilang beses pinatulog habang kinakanta ang kantang yon.
Blue, little do you know all our memories are slowly drowning me...
Nakarating ako ng hospital saka nagmamadaling bumalik ng kwarto ni Blue.
Nasa hallway na ako nang biglang lumabas si Tito Marco sa kwarto ni Blue. Nginitian nya ako noong nagkasalubong kami.
"Oh Red, mabuti naman at dumating ka na. Kailangan ko pumunta sa bahay, walang kasama si Blue." Salubong nya sa akin.
Nginitian ko si Tito, "Ganon ho ba, ingat po kayo Tito."
Dumako ang tingin ni Tito sa bagaheng hawak ko.
Tumango tango sya sa akin saka ilang beses ni-tapped ang balikat ko.
"God has plans. Trust him." makahulugang sabi nya sa akin bago tuluyang umalis.
Nagdaretso ako sa harap ng pinto saka bumuntong hininga.
Okay Red, compose yourself, be strong...
Ngumiti muna ako bago binuksan ang pinto.
"Hi Babeeeee!" Masaya kong sabi pagkapasok.

BINABASA MO ANG
She's With Me
Teen FictionBook 2 of She's Red. Disclaimer! before reading this book, it would be better if you read She's Red first to avoid confusions :) Ang laki ng mundo, ang dami din ng tao. Ang dami kong nakakasalamuha, yung iba masaya, yung iba malungkot. Ako si Tanya...