RED'S POV
Konti na lang matatapos na din ako. Ngalay na ngalay na din ang kamay ko grabe. Pinilit kong magfocus at saka sinimpat ang huling linya na kailangan kong iguhit and finally I'm done.
Nasa klase ako ngayon at kasalukuyang nagdadrafting para sa graphics. Nang matapos ako ay tumayo na ako ng tuwid at nag inat. Sinilip ko naman si Tanya sa kaliwa ko at napakamot ako sa ulo ko nang makita kong halos kalahati pa lang sya. Nakakaawa naman to, ramdam ko struggles nya.
Tinagtag ko na sa pagkakatape yung tracing paper ko at saka iyon binilog.
"Oh tapos ka na?" Nagugulat na tanong ni Tanya.
Ngumiti akong tumatango. Nagpout sya, "Sana all huhu." aniya.
I chuckled, "Keep going. You're doing right naman e." sabi ko rito saka tuluyan na naglakad sa unahan at nagpasa ng plate kay Maam.
Nakangiti si Maam nung lapitan ko sya.
"Sigurado ka bang tama to?" pagbibiro nito.
Medyo napaisip ako but I ended up nodding.
Ngumiti si maam, "Okay, you may go."
"Thank you po."
Muli akong bumalik sa upuan ko para kuhanin ang gamit ko.
"Una na ko sayo?" nagsasabing patanong kay Tanya.
"Oo mauna ka na. Mamaya pang alas syete ko to matatapos. 4 pm pa lang e." sabi ni Tanya kaya I tapped her shoulder at saka lumabas na ng classroom.
Napasinghap naman ako ng malalim. Kahit na maaga akong nakatapos nakakangalay pa din talaga.
Lunes na ngayon at noong sabado kami nagkita ni Yn. Puro lang kami kwentuhan at kumain sa labas that day e. Tapos ngayon naman, mas kumportable na akong kasama si Tanya.
Naglakad na ako papunta sa kotse ko at doon muna saglit umupo at nag inat ng likudan.
And of course, I'm still thinking whether I should face Blue or not.
I should clear my mind. He didn't deserve this din e. I understand but my emotions is taking place.
Ayyy bahala na.
Nang makarating sa bahay ay napataas ang kilay ko nang makitang may ibang sasakyan na nakapark dito.
Pumasok ako at hinanap si Manang.
"Manang, may visitors---"
"Red!" napabaling ang tingin ko sa may gawi ng sala. Hindi ko agad napansing may tao dahil nahaharangan siya ng halaman.
Ng sinilip ko ito ay nanlaki ang mata ko.
"Ate Kelsey?" nagugulat na sabi ko.
Lumapit ito sa akin at inambahan ako ng yakap. Nagulat naman ako kaya hindi agad ako naka react at sandaling pinakalma ang sarili saka naiilang na ni-tapped ang likod nya.
We parted at nakangiting pinakatitigan talaga ako.
"I'm glad you came back." ani nito.
Ngumiti ako sa kanya. "Yes, finally. By the way kararating mo lang? Tea? Coffee?" anyaya ko.
Umiling sya. "I'm fine, nabigyan na ako nina Manang."
BINABASA MO ANG
She's With Me
Teen FictionBook 2 of She's Red. Disclaimer! before reading this book, it would be better if you read She's Red first to avoid confusions :) Ang laki ng mundo, ang dami din ng tao. Ang dami kong nakakasalamuha, yung iba masaya, yung iba malungkot. Ako si Tanya...