CHAPTER 1

278 6 5
                                        

TANYA'S POV


Ang sakit na ng paa ko. Kanina pa akong lakad ng lakad kakahanap kung nasaan ba yung lintek na registrar's office na yon, hindi ko makita. Napairap ako, pag ako'y naiyamot, lalayas na ko dito.


Kainis naman kasi e, walang mapagtanungan ng maayos.


Tinignan kong muli ang form na hawak ko at frustrated na napabuntong hininga, ayaw ko naman talaga ng kursong ito e, ni hindi nga ako marunong magdrawing.


BS Architecture. Yan ang kursong pilit na pinapakuha sa akin ng parents ko kahit ayaw na ayaw ko naman, wala akong talent kagaya nila, dapat kasi educ na lang e.


Hayyy bahala na nga, andito na ko e, pero shet namannnnnn!! Nasaan na ba kasi yung registrar na iyon!?



Frustrated ako na balak na sanang tumalikod nang biglang may kumulbit sa akin na lalaki.


"Um, are you looking for the registrar's office?" nakangiting tanong nito sa akin.


Medyo nagulat ako sa pag-aapproach nya, at lalong nagulat nang itanong na sa reg office kasi pano nya nalaman?


Tumingin sya sa form na hawak ko kaya naman bigla akong nakabawi at ngumiti din sa kanya.


Shet, ang gwapo naman nito.


"Um, opo. Kanina pa kasi ako dito, hindi ko makita." Nahihiyang sagot ko.


He smiled again, "I'm going there, pwede kang sumabay kung gusto mo." Aniya.


I smiled back saka tumango sa kanya.


Sumunod nga ako kagaya ng sabi nya, medyo awkward kasi tahimik lang kami parehong naglalakad, ang lawak naman kasi ng school na to kaya ang hirap maghanap. Buti may nagmagandang loob.


"So I guess you're a freshman?" bigla nyang tanong.


Medyo nagulat ako pero sumagot din naman ako.


"Ah oo e, ikaw?" Pagbabalik tanong ko.


"Third year."


Matapos noon ay tumahimik na ulit kami pero again, nagsalita na naman sya.


"Anong kurso mo?" Tanong nya.


Napabuntong hininga ako, "Architecture"


Napataas ang kilay nya, "Oww pretty hard. Here we are, sa window one ka mag pa asses." Biglang singit nya.


Nandito na pala kami sa registrar.


Ngumiti ako sa kanya.

"Yon, salamat ha.".


"Welcome, see you around." After that ay sumenyas na sya na aalis na sya at tumango naman ako.


Nakangiting tumalikod ako at hahakbang na sana nang biglang may naalala ako na nakapag patigil sakin.


Sandali.... Parang pamilyar ang lalaking yon...



Nanlaki ang mata ko, sya yung... Sya yung lalaki sa park na naka airpods!


Bakit di ko agad namukhaan? Siguro dahil maaliwalas yung mukha nya ngayon kumpara noong isang araw. So pareho pala kami ng school, di ko man lang naitanong kung ano din ang kurso nya, sayang, gwapo pa naman kaso weirdo.


Kagaya nga ng sinabi nya ay nagpunta ako sa window 1 at doon ako nagpa-asses. Di naman nagtagal ay natapos na din ako. Haaaay finally, enrolled na ko. Archtecture 1B ang naging section ko.


She's With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon