RED'S POV
I tried so hard to stay strong for the past weeks. The first week was really difficult for me. Wherever I go, laging may mangilan-ngilang estudyante ang titingin sa akin ng makahulugan.
I'm really thankful, Blue's got my back. Tama sya, I know myself the best ay yung opinyon ng ibang tao, manantiling opinyon lang nila yon dahil ito ako. Madalas man na iyakin ako pero madami na kong pagsubok na nilampasan, tipong kahit kamatayan, akin na ding natakasan.
Bawat araw sa loob ng eskwela parang gusto ko biglang maglaho pero nagpapasalamat din ako sa mga kaklase ko na nanatiling itinuring ako na parang walang nangyari, honestly they often keep me company.
On th third day after the event, laking gulat ko nang biglang lumapit sa akin si Andi at humingi ng tawad. I know it will be good for me to forgive her so I did. After all, what she did is just nothing compare to everything I've been through.
Unang araw ng sportsfest ngayon at narito kami ni Tanya sa may Gymnasium.
Naghahanda na kasi sya para sa game nila mamaya. Hindi papigil ang isang to e, sumali nga sa volleyball.
"Girlllll kinakabahan ako!" aniya nang makarating kami sa players quarters.
Pinitik ko ang noo nya, "Yung kapal ng mukha mo, ngayon mo ilabas." tumatawang sabi ko sa kanya.
"Geez. Kapag walang kumuha ng number ko pagkatapos nito, hindi na ako lalaro sa second game!" Aniya.
Napasimangot ako. "Maharot." pagpaparinig ko.
Siniringan nya ko, "Maganda kamo."
Napairap ako, puro talaga kalokohan.
Nagpaalam na sakin si Tanya, samantalang ako naman ay nagderetso na sa benches. Noong una ay akala ko'y mag isa lang ako manonood pero maya maya lang ay dumating sina Jane at ilan pa naming classmate at sinamahan ako sa upuan.
Busy kasi si Blue e, tambak talaga yung gawain nya dahil sya yung president ng org.
Madaling napuno ang gymnasium at maya maya lang ay nagsilabasan na ang mga players. Napuno ng sigawan at sipol ang gym. Paano din bang magiging hindi e ang kalaban ng department namin ay ang tourism department. Matatangkad at talaga namang magaganda yung players.
Pero syempre, papatalo ba ang architecture. Sigurado akong hindi lang sa hitsura sila may ipagmamalaki, sa skills din.
"Sexy pala ni Tanyaaaa!!!" naeexcite na sigaw ni Jane.
"Oo nga. Witwew." sagot naman ni chloe.
Nangiti ako, Wag mo ko ipapahiya Tanya. I'm rooting for you.
Hindi naman nagtagal ay nag umpisa na ang game.
Kita kong parang nagtatalo sa bench yung team ng dept. namin, mukhang may binago sila.
Pumasok ang unang tig-anim na players at labis na lang ang pagdududa ko nang makitang hindi pumasok si Tanya.
"Huy! Diba first six si Tanya!?" Tanong muli ni Chloe.
Tumango ako sa kanya, "Nagtataka din ako."
"Halaaaa, ba't ganon!?" bwelta ni Jane.
"Strategy siguro, nagtatalo sila bago magsimula e." sagot ko rito.
Hindi na kami nag usap at nagfocus na sa game. Nagkamali ako, may ibubuga din pala talaga yung tourism dept. naging mainit yung laban, halatang marurunong ang mga players.
BINABASA MO ANG
She's With Me
Fiksi RemajaBook 2 of She's Red. Disclaimer! before reading this book, it would be better if you read She's Red first to avoid confusions :) Ang laki ng mundo, ang dami din ng tao. Ang dami kong nakakasalamuha, yung iba masaya, yung iba malungkot. Ako si Tanya...
