BLUE'S POV
"Tol!!! Easy ka lang HAHAHAHAHA!"
"Oo nga bro! Shet e balita ko'y batikan yang shota mo!"
"Hahahahah! Tantanan nyo nga to! Di na nga mapakali e."
-_-
Di ko sila pinansin. Abot abot ang kabang nararamdaman ko ngayon. Diyos ko po! Pag ito nasaktan wag sana ako mag iskandalo.
"AYAN NA, AYAN NA, AYAN NA!!!" Sunod sunod na sigaw ng mga tao sa paligid ko.
Tinatawanan pa din ako nina Tanya pati ilan kong kaibigan pero di ko na sila talaga mapagtuunan ng pansin.
Dumako ang tingin ko kay Red. Nasa loob na sila nung ring. I hate seeing her expose pero damn, she's spitting fire just by the way she looks. Talagang kapansin pansin din yung malaki nyang tattoo sa likod na kanina'y naging usapan dito sa bench paglabas nya.
*Teng! Teng! Teng!
Pagkatunog ng bell ay umaro na yung referee and here it is, the fight begins.
"OHHHHHHHH!!"
Pota.
"OOOOOHHHHHH!"
Pota talaga.
"WHOOOOAAAAA!!!!"
Tangina.
Nagsimula na, umpisa pa lang ay agresibo na yung kalaban nya sa pag sugod.
Eto na naman sya, puro ilag at sangga na naman ang ginagawa.
Damn it! Attack babe!
Muling umamba ng suntok yung babae. Iniwasan yun ni Red at sa isang iglap lang ay bigla na lamang syang sumipa. Tinamaan yung babae.
"OOOOOOHHHHHHHH!!!!"
"WAAAAAAHHHH GO REEEEEDDDD!!!"
"ASHLEEEEEEEEEY!!"
Muling nagsigawan ang mga tao. Ang higpit na ng kapit ko sa pantalon ko.
"Hoy tol! Hinga naman dyan HAHAHAHA!" Panloloko sakin nina Jiro.
"Pota kayo, tantanan nyo ko." napipikon kong sabi sa mga to.
Lalo nila akong tinawanan.
Tuloy ang pag sugod ng dalawa. Susugod yung ashley at sasanggahan naman ito ni Red.
Napatayo ako! "Anak ka ng!"
Sigaw ko ng makitang tinamaan si Red.
"LABAN BABEEEEEEE!!!!" Di ko na napigilan sumigaw.
Ang hindi ko inaasahan ay noong saktong sumigaw ako, saktong nawala yung sigawan kaya naman......
"YIEEEEEEEEEEEE!!!!!!" Katyaw ng mga tao.
Napapahiyang umupong muli ako. Pinagtawanan na naman nila ko kainis.
Pero napangiti ako dahil matapos noon ay di nakawala sa akin ang ngisi ni Red dahil sa sigaw ko.
Sandali lamang ay tumunog ang bell matapos ang dalawang minutong round.
"She's holding back, isn't she?" biglang tanong ni Jiro sa gilid ko.
Tumango ako, "Ewan ko ba kung anong trip ni Red." sagot ko rito.
"HAHAHAHA Blue, bugbog ka pala kapag nagloko!" biglang bwelta naman ni Tanya sa kabilang tabi ko.
Nakitawa din si Yn, "NAKU, UNDER!!" sagot nito.
Ngumisi ako, "Di bale ng under hahahaha." sagot ko sa mga ito.

BINABASA MO ANG
She's With Me
Teen FictionBook 2 of She's Red. Disclaimer! before reading this book, it would be better if you read She's Red first to avoid confusions :) Ang laki ng mundo, ang dami din ng tao. Ang dami kong nakakasalamuha, yung iba masaya, yung iba malungkot. Ako si Tanya...