CHAPTER 12

96 4 0
                                    

RED'S POV

"Yn... Ayoko ngaaaaaa." medyo naiinis na sabi ko kay Yn na ngayon ay nasa harap ko na at naka cross arms pa.

Nandito kami sa bahay. At nakaupo ako sa kama ng kwarto ko habang nakatayo naman si Yn.

"Tara na kasiiiiii, saglit lang tayo." pangungulit pa nito.

"Ayoko nga. Magpe-plates na lang ako okay? Ikaw na lang you can enjoy yourself naman e." i said.

Yn gave me a look. I rolled my eyes.

She sighed and pouted. "Sige, una na ako."

Kainis naman e. I sighed, ang lakas mangonsenya ng babaeng to.

Gayak na syang maglalakad habang nag iinarteng masama ang loob nang pigilan ko sya.

“Oo na, sige na. Magpapalit lang ako.”

Napairap naman ako nang marinig ko ang impit nyang tili pagtalikod ko. Napakamot ako sa ulo ko.

Nagyayaya kasi si Yn doon sa bar ni Blue. I sighed again saka kumuha ng damit na misusuot at nagderetso na para magpalit. Loose pants saka fitted long sleeves lang, ayos na to.

Bumalik na ako kay Yn at mas lalong lumapad ang ngiti nito nang makitang handa na ako.

“LEZZZZZGOOO!”

Ayon, labag sa loob akong umangkas sa sasakyan nya at tuluyan na kaming umalis.

“Waaaaah, I’m so excited! It’s a reunion!” Halos magitla ako kay Yn nang bigla itong sumigaw habang nagmamaneho.

Napasignhal ako saka tatawa syang tinignan. Oo nga, tama sya, ngayon na lang ulit kaming tatlo makakapag sama sama.

Nagkwentuhan kami ni Yn habang nasa byahe, nabanggit nya sa aking nasa Bar na din daw si Drake, yung boyfriend nya.

Saglit lang ay narating na din namin ang Bar. Higit higit nya ako paloob. Madami ng tao at maingay na sa loob. Medyo napaismid ako nang maamoy ko na naman ang magkahalong amoy ng alcohol at sigarilyo.

Hindi ko pa din maiwasan hanggang ngayon ang humanga sa Bar ni Blue. This gives him big time money for sure.

Nang marating na namin ang table ay ayon na nga si Drake sinalubong kaming pareho.

“Hi Red. Nice to meet you again.” Bati sakin ni Drake.

Tinanguan ko sya saka nakaingising tumingin kay Yn. “It’s nice na binalikan ka nitong si Yn, pakipot masyado.” Sabi ko rito.

Nilakihan ako ng mata ni Yn. Nagtawanan naman kaming dalawa ni Drake. Nagkwentuhan kami saglit saka ako nagpaalam sa dalwa na tatayo muna ako at hahanapin ko si Blue. Medyo nakakailang din na maging third wheel.

Medyo nahirapan ako maghanap ng dahil sa dami ng tao. Una ko syang pinuntahan sa may bar counter but he’s not there. Nakikipagsisikan ako sa paghahanap hanggang sa tuluyan ko na syang makita.

He’s on the second floor. Nakaglass door kasi kaya kita ko dito sa baba kahit naroon sya sa loob. Nangiti naman ako nang makita ko sya doong parang may kinukutkot sa lamesa. I really think that he’s making his plates. I was really amazed kasi napagsasabay nya.

Napangisi ako. Nagbalik ako saglit sa bar counter, I was thinking if they have some coffee here. Maybe.

“Do you have coffee here?” tanong ko don sa bar tender.

She's With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon