CHAPTER 7

133 6 0
                                        

TANYA'S POV


Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. How could someone do that?.


Bumaling ang tingin ko kay Marcus dahil tuluyan na nawala si Red sa paningin ko.


Nanatili syang tigil at nakatulalang nakasimangot sa direksyon na tinahak ni Red.


Hindi ako makapaniwala. Na si Marcus na akala ko ay matino at desenteng lalaki na nagugustuhan ko ay rapist. Hindi mag sink in sa akin ang mga pangyayari.


"How can you do that to her!?" I found my voice finally and asked him that.


Bakas sa tono ko na hindi ako makapaniwala. These two, si Marcus at si Red, sila lang dalawa ang malimit kong nakakasalamuha dito and it turned out na konektado sila.


Naguguluhan ako!


Binigyan ko sya ng kasuklam suklam na tingin. Nandidiri ako sa kanya, paano nya nagawa yon kay Red!?



"Marcus, why!?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong pagtaasan sya ng boses.


Yumuko lang ito saka umiling.


"Wala ako sa posisyon para magsabi sayo." Tumahimik sya saglit at nilamukos ang mukha nya. "Tanya, follow her please. You may not know but she needs company." Nakikiusap nitong tugon.


Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko at sinuri sya. Ano ba itong nangyayari? Hindi ko maintindihan. Ang reaksyon, expression na ipinapakita nya ay hindi tugma sa ginawa nya.


Gayunpaman ay iwinaksi ko ang mga tanong ko saka umalis na sa lugar na yon at nagmamadaling tumakbo sa parking lot. We already missed the class so better be finding her.


Habang nagmamaneho papunta sa bahay nina Red ay hindi ko maiwasan ang mapaisip. Hindi talaga ako makapaniwala, nakakagulat. Is this the reason why she's like that? Is this the reason kung bakit sinasabi nya sakin na hindi pa sya ready? I never expected that it would be this big! It's the reason why she's so sensitive about it.


Namura ko din ang sarili ko nang maalala kong pinagdudahan ko pa sya kanina at sinabihang akala ko ay tunay sya.


Tanyatangaaaa!



Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan at nag doorbell sa mansion nila. Hindi kagaya nung una ay wala ng nagsalita sa audio at kusa na lang bumukas ang gate. Kilala na din kasi nila ako, paapat na beses ko na dito.


Bumalik ako sa sasakyan at pumasok na sa loob at ini-park yun sa usual na pinapag-parkingan ko.

Nakaabang na sa pinto si Ate Nica, yung isa sa mga katulong nila.

Nakangiti nya akong sinalubong.


"Hi po, naandito na po ba si Red?" Magalang na tanong ko rito


Lumamlam ang mata nya,

"May problema ba? Nagmamadali syang tumaas kanina." Sabi nito sa akin.


Bumagsak ang balikat ko. Pinapasok muna ako ni Ate Nica at nagpaalam ako sa kanya kung pwede ba akong tumaas. Pinahintulutan nya ako at pinakiusapan sa akin na kausapin ko nga daw si Red dahil ngayon na lang daw ulit nilang nakitang ganito ito.

Nagmamadali akong umakyat sa third floor dahil naandon ang kwarto nya. Kinakabahan man ay kinatok ko muna ang pinto nito saka walang sabi sabing binuksan ko iyon.


Tumambad sa akin ang purong purong puting kwarto ni Red. Ngayon ko lang ito napasok, sobrang laki ng kwarto na ito. Pero sa isang direksyon lang dumako ang paningin ko. Doon sa gilid ng kama ni Red, nakabaluktot syang nakaubob sa tuhod nya sa may sahig at gumagalaw ang balikat dahil umiiyak.


She's With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon