BLUE'S POV
Di ako mapakali sa loob ng hospital. Dinala ko sa emergency room si Nadine. Saglit pa ay dumating rin agad si Ken para humalili sa akin sa pag iintay. I did not bother to ask Nadine before I leave.
I really need to find Red.
I am certain that it's not my child. That's really impossible!
Mabilis akong nag-park sa harap ng bahay nina Red saka nagmamadali doong pumasok. Si Manang ang sumalubong sa akin.
"Manang narito ho ba si Red?" tanong ko kay Manang pagdating don.
Nagtataka akong tinignan nito, "Wala iho, bakit? May nangyari ba?"
I sighed, "W-wala ho manang. Sige po mauna na ako."
Hindi ko na inantay sumagot si Manang at muling nagderetso sa sasakyan. Nag punta ako sa park.
Agad akong nag ikot-ikot doon pagdating ko ngunit wala akong Red na nakita.
Di na ako mapakali, san kaya yun nagpunta? Kaya ayaw ko man, nagbakasakali na akong dumaretso sa bahay. Baka don sya nagpunta.
Nang makarating sa bahay ay agad akong nagpark at halos nanakbong pumasok doon sa loob. Nadatnan ko don sina Mommy at Tita Yanna.
Agad akong nginitian ni Mommy nang makita ako.
"Blue, andito na pala kayo----"
"Mommy, andito ba si Red?" Di ko na pinatapos si Mommy at nagtanong.
"Bakit? Hindi ba't kayo ang magkasama?" Biglang singit ni Tita Yanna.
Wala rin sya dito....
Kumakalmang napapikit ako.
Lumapit sa akin si Mommy, "You fought?" sabi nya sabay hawak sa balikat ko.
Tumango ako rito. "Sorry Mom, Tita, di kami makakasabay sa inyo. I need to find her."
Binigyan ako ng nag aalalang tingin ni Tita Yanna.
"She's alright, right?" sabi nya sa akin.
Napalunok ako at hindi nakaimik.... I don't know, after what she heard... I don't think she's fine.
I sighed, "I'll find her Tita, don't worry. It's a misunderstanding." I tried to assured her.
Nang nakakaunawang tumango sya ay muli akong nagpaalam sa kanila para maghanap.
Babe... Where are you?...
RED’S POV
Matapos kong marinig yung sa Bar wala akong ginawa kundi ang magtatakbo lang ng magtatakbo. Kahit ako ay hindi ko alam kung saan ako pupunta, wala akong sasakyan kaya eto ako, wala sa sariling naglalakad sa gilid ng kalsada.
Nang may makita akong waiting shed ay nagpunta ako roon at tulalang umupo. Dahan dahan akong umub-ob sa sarili kong mga tuhod... Blue just got other girl pregnant.
Unti-unti, napahagulhol ako. Hindi ko pa lubos na maiproseso yung narinig ko, basta ang alam ko lang, sobrang sakit.
This means, noong wala ako, he's been up to other girls.
"Here we go again, umiiyak na naman tayo?"
Halos mapapitlag ako nang biglang may nagsalita sa gilid ko.

BINABASA MO ANG
She's With Me
Teen FictionBook 2 of She's Red. Disclaimer! before reading this book, it would be better if you read She's Red first to avoid confusions :) Ang laki ng mundo, ang dami din ng tao. Ang dami kong nakakasalamuha, yung iba masaya, yung iba malungkot. Ako si Tanya...