BLUE'S POV
Nagseset-up ako ng presentation nang biglang nag-vibrate yung phone ko.
Napangiti ako nang husto nang makitang si Red ang tumatawag.
"Yes Babe----"
"B-blue, I need you..... Come to me......... please B-Babe... "
Napakunot ang noo ko. Is she crying?
"Babe asan ka?" Nag aalala kong tanong.
"Parking..."
"Okay, I'll be there. Hold on."
Ibinaba ko na ang tawag saka nilapitan ko si Glen.
"Brad, I have an emergency." sabi ko rito. Di pa sya nakakasagot ay kumaripas na ako ng takbo sa direksyon ng parking lot.
Kinakabahan ako, ano kayang nangyari?
Ilang tao na ang nabunggo ko kakamadali. Nang makarating ako sa parking lot ay wala sya doon...
Where is she?
"Damn Blue! Tanga tanga... Malamang asa sasakyan.." singhal ko sa sarili ko.
Pumunta ako sa usual parking spot nya. Nang makita ko ang sasakyan ay agad kong binuksan ang pinto nito. Di ako nagkamali, di naka-lock yung door kaya naman pagbukas ko ay tumambad sa akin ang umiiyak na si Red habang nakasandal sa manibela ng sasakyan.
Lumamlam ang mata ko.
I sighed saka pumasok sa loob at umupo sa passenger seat.
"Red, Babe... Shhhhh, I'm here.." Sabi ko sa kanya saka hinagod hagod ang likod nya.
Tumunghay sya. Napalunok ako nang makita kong pugto na ang kanyang mga mata.
"Blue...." Aniya sabay yakap sakin.
I hugged her back, "Shhhhh... I'm here, i won't go.."
As she continue to cry, i continue to console her. I still didn't know what happened but she need to be at peace first.
Nang umalis sya sa pagkakayakap ay sisinok sinok pa syang nagpahid ng luha nya.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya saka naman iniharap sya sakin. Sobrang pula ng ilong at mata nya.
"Tahan na Babe.... Mukha kang siopao na pula oh." Sabi ko rito saka nalamukos ang pisngi nya.
Nag-pout lang sya saka suminghot singhot. Pinunasan ko ang ilan pang butil ng luha sa may pisngi nya. Maya maya lang ay kumalma na sya.
I kissed her forehead saka tinignan sya sa mata.
"May I know now what happened?" I asked carefully.
Tumango sya saka kinagat ang labi nya na akala mo ba ay nagpipigil pa muling umiyak.
Nang makaapuhap ay nagsimula na syang magkwento. Nabigla ako sa mga sinabi nya, paano ba namang hindi ay halos ilang minuto lang ang nakakalipas noong kaming dalawa ang magkasama.
Nakaramdam ako ng matinding inis sa nangyari pero nangingibabaw sa akin ang pag aalala para sa kanya. The fact that she can't escape from her past and has to go on and bear it all, this must be really hard and painful for her.
"Anong hitsura nung babae?"
I won't let her get away with this.
"Halos kasing tangkad ko sya.. Hanggang shoulder yung buhok, singkit tapos malaki yung nunal nya sa sintido.." pagpapaliwanag nito.

BINABASA MO ANG
She's With Me
Teen FictionBook 2 of She's Red. Disclaimer! before reading this book, it would be better if you read She's Red first to avoid confusions :) Ang laki ng mundo, ang dami din ng tao. Ang dami kong nakakasalamuha, yung iba masaya, yung iba malungkot. Ako si Tanya...