CHAPTER 22

82 9 0
                                    

BLUE'S POV

Sunod-sunod na katok ng pinto ang nadinig ko at kagaya ng nakasanayan ay dumapa lang ako at nagtaklob ng unan.


Isang buwan....


Isang buwan na ang nakalipas mula noong gabing yon.

Huling gabi na magkasama kami...

Kusa na naman tumulo ang luha ko, she broke up with me...

Hindi ko matanggap!

Araw-araw ko syang sinuyo, nagbakasakali akong kausapin man lang nya ako ngunit ni paglingon sa gawi ko, hindi nya ginawa.

Hanggang isang araw, napuno sya sa pangungilit ko...


"Stop chasing me! Ikaw at ako..... wala na tayo..."



That's her words. Para akong sinasaksak ng paulit ulit tuwing naaalala ko ang linya nya.

She became really cold. So cold that she even had a fight with Tanya and Yn.

While me on the other hand, I just became useless. Napabayaan ko ang sarili ko, ang pag aaral ko pati yung bar, bihirang bihira ako makapunta don.

While Nadine... Minsan kusa na lang syang sumusulpot dito sa bahay. Nangungulit na panagutan ko sya.

Mag asawang sampal ang natanggap ko kay Daddy noong unang beses na sumulpot si Nadine dito. Hindi ko sya inaasikaso kaya tuwing darating sya dito, si Mommy ang nag aasikaso sa kanya.

Minsan napapaisip ako kung mali ba ang ginawa namin ng gabing yon. Nung mga panahong hinahalikan nya ako, niyayakap at binabanggit ang pangalan ko, nabuo ang pag asa kong napatawad nya na ako ngunit mali ako, talagang mali pala ako.



"BLUE! OPEN THE DOOR!" Dinig kong tawag ni Ate Kelsy.

Naiinis akong nagpunas ng luha saka inayos ang aking sarili.

Binuksan ko ang pinto, "Bakit?" i asked coldly.

"Andito si Nadine----"

Pabagsak kong isinara ang pinto. Damn her!

Muli na naman nagsunod sunod ang katok.

"BLUE! ANO BA!? BUKSAN MO TO!"

Hindi ko pinansin si Ate. Nagtuloy ang  pagkatok nya pero di ko na yun pinansin pa.

Hanggang sa maya maya ay may bago na namang kumatok.

"Blue... Honey... Please open the door.." Dinig kong pakiusap ni Mommy.

Muli akong umupo at napabuntong hiningang tumayo.

Muli kong binuksan ang pinto at lumamlam ang mata ni Mommy ng makita ang hitsura ko.

"Why Mom?" I asked calmly.

Mom sighed saka hinawakan ang aking kamay.

"Pinauwi ko na si Nadine----"

"Okay." gayak na akong babalik sa loob nang higitin ni Mommy ang braso ko.

Mom gave me a hug. Bumugso ang damdamin ko sa ginawa nya at napapaluhang yumakap pabalik. Nang kumalas si Mommy ay hinawakan nya ang magkabilang balikat ko.

"You'll get through this baby right? Your love is greater than this...." ani ni Mommy.

Nagbaba ako ng tingin.

She's With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon