RED'S POV
Kagaya ng napagkasunduan namin sa hapunan ay lahat nga kami ay nagsimba. Maliit lang ang simbahan dito at hindi naman kalayuan kaya naman lahat kami ay lakad lang papunta doon.
Kung ako ay magpapatayo ng bahay, sa ganitong lugar ko gusto ipundar. Tahimik, payapa, malayo sa magulo.
Nahuli akong lumabas sa simbahan dahil lahat sila ay nangunguna nguna sa pagbili ng mga pagkain sa labas. Kapansin pansin ang grupo namin kaya di nakakapagtakang ang mga paningin ng mga tao ay samin nakadako.
Sa isang probinsya, madaling makahanap ng mga taong sa syudad nanggaling dahil sa pananamit at kilos nito.
Pagkalabas ko sa bungad ng pinto ay may batang kumulbit sa akin.
"Ate! Ate! Para sa inyo po.." Sabi ng batang babaeng halos nasa bewang ko lang ang liit.
Nakangiti ko itong binalingan, "Sa akin?"
Nagtatango ang bata. Inabot ko naman ang sampaguita.
Umupo ako at pinantayan ang bata, "Kanino ito galing?"
"Dun po." aniya sabay turo sa may ice cream-an kung nasaan sina Blue at Ate Kelsey.
Napabuntong hininga ako. Hinawakan ko sa ulo ang bata.
"Maraming salamat, gusto mo ba ng ice cream?"
Abot tenga ang ngiting tumango ang bata.
"Halika, bili tayo don."
Nang makarating sa may ice cream-an ay sinalubong ako ni Ate Kelsey.
"Oh Red, gusto mo---sino yan?" Takang tanong nya.
Nagkatinginan kami nung bata, hindi ko pala naitanong ang pangalan nito.
"Ewan ko. Basta bata, gusto daw ng ice cream." Sabi ko.
Tinawanan ako ni Ate Kelsey at gayon na rin ang dinig kong mahinang tawa ni Blue sa gilid. Umiwas ako ng tingin saka humarap sa ice cream vendor.
"Manong, dalawa nga pong Ice cream."
Maya maya lang ay iniabot na sa akin yung dalawang ice cream, nang gayak na iaabot ko na dun sa bata yung kanya ay biglang may mga bata pang dumating.
"Joan! Kanina ka pa naming hinahanap. Sina Jj na yung taya." Sabi ng bata.
Mukhang mga naglalaro pa ang mga batang ito.
"Mamaya ulit ako lalaro, nililibre pa ako ni Ate Ganda ng ice cream." Sabi ng bata na ang pangalan pala ay Joan.
Nagkatinginan naman sa akin ang mga bata, anim pa sila. Dalawang lalaki at apat na babae. Nagpabalik balik ang tingin ng mga ito sa magkabilang kamay ko na may hawak na ice cream.
"A-ah hehehe, gusto nyo din ba?" Tanong ko sa mga ito.
"OPO!!" sabay sabay na sagot na mga ito.
Inabot ko yung dalawa kong hawak na Ice cream sa mga bata at muling umorder para pa sa ibang wala.
Tinatawanan ako nina Ate Kelsey habang di magkandaugaga sa pag aabot sa mga iyon.
Maya maya lang ay nagsidatingan na ang lahat doon sa pwesto namin upang magsama sama na sa pag uwi at laking gulat nila nang madatnan ang ginagawa ko.
Nang maiabot ko na sa huling bata yung ice cream ay napansin ko si Blue na may ibinulong kay Joan. Napasimangot ako ngunit hindi ko iyon pinansin. Hanggang ngayon ay hawak ko pa din ang sampaguita na pinaabot nito sa akin.
BINABASA MO ANG
She's With Me
Fiksi RemajaBook 2 of She's Red. Disclaimer! before reading this book, it would be better if you read She's Red first to avoid confusions :) Ang laki ng mundo, ang dami din ng tao. Ang dami kong nakakasalamuha, yung iba masaya, yung iba malungkot. Ako si Tanya...