CHAPTER 31

87 6 23
                                    

RED’S POV

Madaling natapos ang sem. Inaamin ko, walang araw na hindi ako nasasaktan lalo na kapag nakakasalubong si Blue sa school and worse, ibat ibang babae na ang kasama nya. Hindi ko sya lubos na maintindihan pero imbis na habulin pa sya ay hinayaan ko na lamang sya.

Matapos ng lahat ng hirap naming dalawa, hindi ko alam kung anong pumasok sa utak nya at itinapon nya lahat ng aming pinagsamahan.


Sobra nya akong nasaktan, dahil sobra nyang ipinaramdam na mahal nya ako.

After that, I don’t know what to believe anymore, were those just lies? Or is it just the pain that made us this way?

Unang linggo ng bakasyon namin at wala akong ginawa kundi ang pumasok na lamang sa kumpanya. Kuya Vaughn found out who sent the photo to Blue, it was Rea, I had enough so I fired her. Isa pang traydor.


“Have some rest.” Napatunghay ako mula sa computer.

Ngumisi sa akin si Kuya, “Inaagawan mo na ata ng pwesto si Tita e.”

Tumawa ako, “It just that, If I didn’t keep myself busy, lalamunin lang ako ng lungkot.”

Napanguso sya, “Mahal na mahal mo talaga ang lokong yon.”

Napangiti ako ng mapait. Blue bakit ganon? Kahit ilang beses mo akong pinag mukhang tanga, mahal na mahal pa din talaga kita.


Bumagsak ang balikat ko, “Ano kayang ginagawa nya…” wala sa sarili kong sabi.

Nilapitan ako ni Kuya, “Self love. Harap harapan ka nyang niloloko pero umaasa ka pa din. I really thought na maipagkakatiwala kita kay Blue but what he did? He left you when you needed him the most. He acts like a jerk, he acts na parang sa inyong dalawa ay sya lang ang nawalan.”

Napatungo ako dahil sa sinabi nya, tama sya. Galit ako kay Blue pero yung pagmamahal ko kahit anong gawin ko, hindi yun mawawala. He’s my greatest love.

Itinuloy ko na ang ginagawa ko at hindi na nakipagtalo pa kay Kuya. Tama sya pero yung puso ko, hindi sang ayon sa gustong gawin ng utak ko.

Natapos ako sa trabaho saka ako sumaglit sa opisina ni Mommy para magpaalam na mauuna na umuwi. I decided na magpunta muna sandali sa mall para bumili ng pasalubong para kay Sky.

Habang bumibili sa isang pastry shop doon ay hindi ko maiwasan ang mapatingin ng malungkot sa mag-inang nakapila sa kabilang counter. Hawak ng bata ang tiyan ng kanyang ina, buntis ito at may kalakihan na ang dinadala.

Bigla akong napahawak sa Tiyan ko.


Baby, kung nasaan ka man, please i-guide mo kami ni Daddy mo. Wag mo syang papabayaan.


Tuluyan na akong nagbayad saka lumabas na ng mall. Habang naglalakad papunta sa parking ay nakakaramdam akong may nakamasid sa akin. Maya’t-maya ang naging pagsilip ko sa magkabila kong tagiliran saka binilisan ang paglalakad.

I was about to open my car nang may maramdaman akong patalim sa gilid ko.


“Holdap to, wag kang maingay kung ayaw mong----”

“Arrrghhhh!!!”


Bago nya pa matapos ang sasabihin nya ay naging alisto ako. Mabilis akong umikot sa may siko nya saka dali daling dinakma ang kanyang kamay na may hawak na patalim bago ko iyon pinilipit at malaks syang sinipa sa pagkalalaki nya.

Tinignan ko sya ng nakakunot saka ko sinipa palayo yung kutsilyong nabitawan nya.


“Masama ang magnakaw.” Yun lang ang sabi ko.

She's With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon