BLUE'S POV
Tahimik akong tumikhim para makuha ang atensyon nya.
Napahawak ako sa batok ko.
"A-ah kain tayo?" Anyaya ko kay Red.
Kami na lang dalawa ang magkasama ngayon dito sa mall kasi kakapasok lang ni Tanya sa massage spa.
I was shocked kanina dahil di ko naman akalaing papayag sya pero masaya ako ng dahil doon.
"Tapos na kami kumain." sagot niya.
"Ice cream?" anyaya ko.
Tumingin sya sa akin at tipid na ngumiti. "Sure."
Niyaya ko sya sa isang ice cream shop at pumasok kami roon. Medyo awkward pero di na bale.
Ipinaghila ko pa sya ng upuan at umupo na kaming pareho.
We both ordered cookies and cream kasi paborito namin yon. Ngayon ay magkatapat kaming nakaupo. I felt how uncomfortable she is.
I sighed.
"Ok ka lang ba?" nag aalala kong tanong.
She raised an eyebrow and smiled.
"I'm good."
Ang tipid.
"By the way, thanks for coming with me." sabi ko saka sumandal.
"It's fine. Mahaba pa din naman yung vacant namin."
Saglit lang ay dumating na yung order namin. Sabay kaming kumain. Hindi ko mapagilang mangiti dahil ngayon na lang ulit kami nagkasabay kumain.
"Ah, asan pala sina Tita at Sky?" pagbabasag ko ng katahimikan.
"Asa US pa pero by next week babalik na din sila dito."
I smiled. "How's Sky?"
I finally see her smiled, "Napakakwela ng batang yon. Excited na yun umuwi dito at makikipaglaro daw sa inyo ni Yn."
Nagulat ako sa sinabi nya pero nangiti ako. Tumawa ako saglit.
"Mukhang malakas pa lalo mang asar yun ngayon.... I remember, lagi nyo akong pinag tutulungan noon e, what more ngayong lumaki laki na sya." I laughed.
Kita kong saglit syang natigilan pero tumawa din ng bahagya,
Nagkibit balikat sya, "Maybe."
God, have I mentioned how much she changed? Her confidence speaks so much, her eyes are now sharper compared before.
Nanlaki pa ang mata ko nang makitang halos paubos na yung ice cream nya kaya mas lalo akong natawa.
"Want more?" tanong ko nang nakatingin sa cup ng ice cream nya.
"Strawberry?" sabi nya.
"Hahaha okay. Wait." sabi ko saka tumayo at nagpunta sa counter para mag add ng order.
Bumalik na ako at pansin kong mas gumaan yung tension sa pagitan namin.
Tumikhim sya.
"Ikaw? Kwentuhan mo din ako ng mga nangyayari sayo dito noong wala ako." nakangiti nyang sabi.
Napangisi din ako. Wala lang, masarap sa pakiramdam.
"Not much.. Lagi lang kitang iniisip e.." pagbibiro ko.

BINABASA MO ANG
She's With Me
Teen FictionBook 2 of She's Red. Disclaimer! before reading this book, it would be better if you read She's Red first to avoid confusions :) Ang laki ng mundo, ang dami din ng tao. Ang dami kong nakakasalamuha, yung iba masaya, yung iba malungkot. Ako si Tanya...