CHAPTER 13

96 9 1
                                    

RED’S POV

Damn it. I’m late.

Halos magkandarapa-rapa ako sa paglalakad dahil sa pagmamadali. Grabe, this is the first time na papasok ako nang halos wala akong tulog. No matter how hard I tried to take a nap, I just can’t dahil kasi kagabi, damn it. Lucky for me dahil natapos ko pa din yung plate ko today.

“Girllll! Ayos ka lang? jusko ka para kang nakipag sabong.” Salubong sakin ni Tanya pagkapasok ko sa room.

I sighed, “I’m fine.”

Luminga-linga ko sa room. Buti na lamang at wala pa si Sir.

Umupo na ako sa upuan ko at saka nag ayos ng sarili. Gosh, I’m a mess.

“Anyare sayo ha?” Lumapit si Tanya sabay ipod na din ng upuan nya sa table ko.

Inaantok ako. Humikab pa ko sandali bago sya sinagot. “Nagpunta ko kagabi sa bar ni Blue.”

Pinagtaasan nya ako ng kilay.

“And you didn’t invite me?” Nag iinarte nitong atungal.

“I’m with my friend, it’s a reunion.” Sabi ko saka tuluyan na kong umob-ob. I badly need a nap.

“Invite me next timeee, I don’t have group of friends yet.” Nadinig ko pang sabi nito saka ko naman sya binigyan na lamang ng thumbs up habang nanatiling nakaubob.

Maya-maya lang ay may narinig akong kumatok kaya napatunghay naman ako.

Nanlaki ang mata ko nang makita kung sinong nasa pintuan.

Napaayos ako ng upo at inayos ang sarili ko habang nanatiling nakatingin sa kanya. Nang magtama ang tingin namin ay napangiti sya, napaiwas naman ako.

May tatlo pa syang kasamang students na sa tingin ko naman ay nasa higher year na din.

“Um, hi freshmen. I’m Marcus, your UAPSA president.” Saglit syang tumigil at itinuro ang kanyang mga kasama saka isa isa din itong nagpakilala. Puro sila officers.

Muling nagtama ang paningin namin ni Blue, muli akong umiwas. Nakakailang.

“We would like to inform you na naghahanap kami ng First year representative para sa org and we would like to know kung sinong willing sa inyong tumakbo para sa position.” Sabi ni Blue.

Patago akong napangisi, President.

Saglit natahimik ang room namin bago nagkaroon ng bulungan. May kumulbit sa likod ko, Si stacy, ang class president namin.

“You should join.” Bulong nito sa akin.

Napatingin ako sa kanya saka umiling, “I think you should.” Pagbabalik ko sa kanya.

She pouted, “C’mon, don’t miss this opportunity.”

I sighed at saka nagkibit balikat na lang sa kanya.

Nagtagal na ay wala pa ding gustong mag volunteer kaya muling nagsalita si Blue.

“Anyone? Walang interested? This is a great offer guys. Makakaexperience kayo ng mga bagay na maari ding makatulong sa inyo. If you became a part of UAPSA, madami kayong makakasalamuha at matututunan. One of the best events ay ang Quadri, hindi kayo magsisisi.” Blue said.

Bagamat tuloy ang bulungan sa room ay wala pa ding magprisinta.

I heard Blue sighed. Responsibilities nga naman.

She's With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon