CHAPTER 11

104 9 0
                                    

BLUE'S POV

Lumipas ang buong linggo at sabado na ngayon. Sa mga araw na lumipas, unti unti ay nakakalapit ako kay Red. May mga pagkakataong bigla na lang akong susulpot para yayain sila kumain o kaya naman ay turuan sila sa kanilang mga plates. Nung mga araw ding iyon, parati akong masaya.

Ngiting ngiti akong nagreply sa kanya. Susunduin ko na lamang sya.

Umalis ako ng bahay at masayang sumasabay sa kanta ng sasakyan.

Ilang minuto lang ay narating ko na ang bahay nila.

Sinalubong ako ng mga katulong at sa bandang may kusina, ayon sya nagbebreakfast pa. Nalate ng gising dahil napuyat sa plates.

"Blue, aga mo." sabi ni Red habang lumalapit sakin at hawak pa ang bowl.

Umiling ako, "You're just late."

Natawa sya sabay peace sign.

Kagaya nung sinabi ko sa kanya nung monday, pupunta nga kaming gym para sa kick boxing. Namamangha pa din talaga ako tuwing naiisip kong ginagawa nya na yun dahil kahit ata ako, di ko pa din alam ang basics non.

"Kain ka muna." anyaya nito at umupo sa tapat ko.

"Tapos na ko, bilisan mo na dyan.." sagot ko.

"Teka lang."

Natawa ako sa kanya nang magmadali na sya. Di naman katagalan ay natapos na nga sya at sabay kaming umalis sa bahay nila.

Habang nasa byahe ay tahimik lang ito kaya binuksan ko ang radio para naman mabuhayan.

Nangiti ako nang mapansing dahan dahan nyang sinasayaw ang kanyang ulo at sumasabay sa kanta.

"You like the song?" tanong ko rito.

Tumango sya, "Yeah, I like Lany a lot."

Di katagalan ay narating na namin ang gym.

Napasimangot ako bigla dahil nakita ko si Jiro. That bastard, baka matakot si Red kapag nakita ito.

Hindi nga ako nagkamali, umatras si Red at hinawakan ang laylayan ng damit ko.

" That guy, yung sa bar." sabi nito sa akin.

I sighed. Tinanguan ko sya at sinenyasang wait lamang.

Lumapit ako kay Jiro.

"Bro!" tawag ko dito.

Lumingin ito sa akin at nag dude hugs kami.

"Uy Bro! Trying something new?" sabi nito.

Nagkibit balikat ako saka muling napabuntong hininga at itinuro ko si Red. Tumingin ito at kita ko ang gulat sa kanya.

"Nako bro, pasensya ka na talaga nung gabing yon. Lasing lang ako." sabi nito.

Tinanguan ko sya, "Okay lang bro, wag mo na lang uulitin. Kaso... Natakot sya sayo." sabi ko.

Napatungo sya the he sighed. "Samahan mo ako, hihingi ako ng tawad."

Nangiti ako sa sinabi nya.

Tinungo namin ang direskyon ni Red.

"Red.. May sasabihin daw sayo si Jiro." sabi ko rito.

Kita kong nagulat si Red. Hinarap naman sya ni Jiro.

"Hi Red... Ako nga pala si Jiro, pasensya ka na dun sa Bar ha. Sobrang wasted lang talaga ako nun. Wag ka mag alala, di ko na yun uulitin." sabi ni Jiro na nahihiya hiya pa.

She's With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon