RED'S POV
Hindi kami magkandamayaw habang pabalik sa hospital. Hindi ko magawang bumitaw sa kamay ni Blue habang tumatakbo kami para dalhin sya sa emergency room.
"Laban ka babe please... Lumaban ka!!!" humahagulhol kong sigaw.
Kanina habang nasa lawa, biglang nawalan ng malay si Blue. Nagkagulo kaming lahat, hindi namin mawari kung paano kaming makakarating dito sa hospital.
Bakit pakiramdam ko, pabilis ng pabilis ang oras.
Blue, you just promised me, you'll live longer right? I trust you.. Please hold on.
"Red, hanggang dito lang tayo pwede." Umiiyak na pigil sa akin ni Ate Kelsey nang hanggang ngayon ay hindi ko bitawan si Blue..
Sandaling tinignan ko muna si sya saka hinigpitan ang hawak bago ko tuluyang pakawalan ang kamay nya.
Tumatak sa akin ang hitsura nya habang ipinapasok sa emergency room.
Doon ay kitang kita ko kung paanong sinuutan ng ibat ibang klase ng tubo ang kanyang katawan.
Napailing ako. God, kaya nya to. Please!
Napahalupasay ako sa sahig habang nakatuon ang kamay ko roon, dumako ang tingin ko sa wedding ring namin.
"Hindi.... B-BLUEEEE!!!" Umiiyak na tugon ko.
Hinalikan ko yung sing sing, pleaseee. Huling hirit, one more day. At least one last day!
Naramdaman kong may yumakap sa akin.
It's Mom.
"A-anak, doon ka maupo..." anyaya nya.
Umiling ako, "M-Mom.... No, si B-blue..."
Niyakap ako ni Mommy at inalo alo.
Nanatili kaming ganon hanggang sa napagdesisyunan kong tumayo at muling sumilip sa bintana ng emergency room.
Hindi ko maiwasang mapapikit.
Walang nakakaalam kung lalabas pa sya ng buhay doon. The thought, sobrang nakakatakot.
Lahat kami ay tahimik sa waiting area. Walang gustong maglakas ng loob na magsalita.
"K-kaya nya to, mabubuhay sya." Bigla kong sabi.
Napatingin silang lahat sa akin.
Tinignan ko sina Tita Kelly, sina Yn, lahat sila, ngunit walang sumagot sa akin.
"H-hindi sinungaling si B-Blue... Nangako sya sakin kanina... L-labas sya dyan ng b-buhay.." Sabi kong muli.
Parang dinudurog ang puso ko. Pero if it's for Blue, I don't mind if I destroy myself.
"Nangako sya! Nangako sya!" muli kong sigaw.
Lalapitan na sana ako ni Tita Kelly pero humakbang ako paatras.
Bakit? Bakit ayaw nyong magtiwala kay Blue na malalampasan nya to?
"Iha, l-let him rest..." Umiiyak na sabi ni Tita Kelly. "He's been fighting to live for you, but this time he's on his limit.... L-let him..."
Nanghina ako sa sinabi ni Tita.
"N-no...."
Tinignan ko si Tita, "NO!!!"

BINABASA MO ANG
She's With Me
Teen FictionBook 2 of She's Red. Disclaimer! before reading this book, it would be better if you read She's Red first to avoid confusions :) Ang laki ng mundo, ang dami din ng tao. Ang dami kong nakakasalamuha, yung iba masaya, yung iba malungkot. Ako si Tanya...