CHAPTER 5

91 6 2
                                    

TANYA'S POV


Di ako makapaniwala sa narinig ko? What did he just said? He's asking me for a date? That fast?


Nang mapansin nya sigurong nakatulala lang ako sa kanya ay bumuntong hininga sya.


"It's okay if you don't want to." Aniya.


Sinimangutan ko sya.


"Why are you taking me on a date?" Daretsang tanong ko.


Aba e alangan namang basta ako sa kanya sumama ng ganon ganon lang. Hoy, hard to get to!


"To talk?" s+Sagot nya na kahit sya ay parang hindi sigurado.



I sighed. "What do you want to talk about?" Muling tanong ko.



"You know.." He sighed. "I-I just want some company with me." Parang biglang naging malungkot yung tono nya.


Napataas ang kilay ko.


"But I understand if you don't want to. Alam kong napaka weirdong yayain ka ng biglaan so it's fine. Take care." Tuloy tuloy nyang paliwanag saka walang anu-ano'y mabilis na naglakad paalis.


Hinabol ko sya ng tingin.


Anong problema non? Weirdo nga.


Badtrip naman ako. Di kaya niti-trip lang ako non? Daming alam e, may padinner dinner, company company pa syang nalalaman.


Kahit na naguguluhan at parang pati beauty ko ay nai stress na, umalis na ako ng school at umuwi sa bahay.


Paano ko kaya maibabalik tong bag sa kanya?


Kinuha ko ang bag nya sa side table ko saka binuklat yon. Malay mo naman may makita akong makakapag turo sa akin kung taga saan sya.


Tumingin ako sa orasan ko.


It's 6 pm na. Maaga pa naman. Saka may party ako mamaya.


Nang mabuklat ko ang bag nya, dalawang pirasong notebook, isang pouch, phone at ayun! ID nya.


Tinignan ko agad ang likod ng ID and luckily ay kumpleto ang address na nakalagay doon.


Wala naman sigurong masama kung pupuntahan ko sya sa kanila no?


Kaya agad ako nag shower ng mabilis at nagbihis na. Yung medyo pang party naman. But nag jeans ako kasi baka magtaka yon e kapag nakita akong naka dress. Tapos yung croptop ko, nilagyan ko muna ng hoodie.


Nagmamadali akong nagpaalam kina manang na may emergency akong kailangan puntahan at umalis na.


Nang marating ko ang subdivision nila, doon ko lang narealize na literal na kanila yung subdivision kasi Reign Estates Subdivisions ang pangalan. Damn! Super high profile.


Tinanong pa ako ng guard kung sino ako. Sabi ko I need to surprise a friend ngunit masyado syang mahigpit kaya wala na akong nagawa kundi ipakilala na anak ako ni Congressman Ariel Marquez. And with that, nakapasok na ko.


What can I say? Kahit paano ay kilala din ang tatay ko dito e.


Hindi ko maiwasang mamangha sa bawat bahay na malalampasan ko. Sobra sigurong yayaman ng mga tao dito.

Ayon sa guard ay nasa dulo ang kina Red kaya naman sinunod ko lang ang utos nya.


Hindi lang sasakyan ko ang huminto, kundi ako ay napatigil nang makita ko ang bahay nina Red.


She's With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon