CHAPTER 16

102 10 4
                                    

RED'S POV


Mabilis na lumipas ang isang linggo. Naging busy kaming lahat sa sandamakmak na gawain. Plates dito, plates dyan. Idagdag pa yung ilang minors. Ngunit bukod duon, sa loob ng isang linggong ito ay  sandamakmak na katyaw at asar ang natanggap ko.

Paano ba namang hindi aasarin, kapag tugma sa sched, hatid sundo ako ni Blue sa school. Kung minsan pay bigla bigla na lang susulpot at madadala ng pagkain ng wala sa oras.

.
Gayunpaman, tuwing may magtatanong sakin kung anong meron saming dalawa, walang akong ginagawa kundi ang makitawa na lang. Kung pribado kami, alam kong mas magiging payapa sa parte naming pareho.

On the other hand, lubos din naman ang tuwa nina Mommy at Yn nang aminin ko sa kanila.

Napabaling ako sa pinto ng kwarto nang biglang may magbukas noon.

"Mom." bati ko dito nang makita kong sya ang pumasok mula roon.

Ngumiti muna ito bago lumapit.

"Are you ready?" nakangiti nitong tanong saka tumabi sa akin.

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

Tumawa si Mommy, "Sa haba ng prosisyon, hindi nakakapagtakang nagkaraon kayong pareho ng panibagong pagkakataon."

Napatingin ako sa harapan ko at tinignan ang reflection ko sa salamin. Hinawakan ko ang pendant na ibinigay sa akin ni Blue.

"I guess it's more worth it this time Mom."

Mom gave me a sweet smile saka sandali pa ay umalis na sya sa kwarto. It's saturday and may lakad kami ni Mommy. For the first time in years, sasama ako kay Mommy sa kumpanya.

Even though wala sa isip ko ang business, there's no way for me na matakasan ito someday.

I'm wearing a formal attire in heels. Sandali pa akong tumingin sa salamin at ngumiting muli bago tuluyang lumabas ng kwarto.

"Let's go?" Anyaya sakin ni Mommy pagbaba ko sa sala.

Tumango ako sa kanya saka sumunod na. Iwan namin si Sky kina Manang, makulit ang isang yon hahaha.

Habang nasa byahe ay may ilang bagay na naikwento sa akin si Mommy about sa company. Kung dati ay AF Company ang pangalan ng kumpanya, ngayon naman ay pinaltan na namin ng FERNAVRINO Company. What's the point on using AF (Andrew Fernavrino)? Even his name disgust me.

Nang makarating sa harap ng building ay magkasabay kaming lumabas ni Mommy. Exterior pa lang, alam ko nang mas magiging kahanga hanga kapag pumasok kami sa loob.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok.

"Calm down Red, gusto ko lang makita mo kung anong meron sa kumpanya natin. It will be fine okay?" Mom gave me a warm smile..

Tumango ako sa kanya.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang ay sunod sunod na bati ang sumalubong sa amin. Lahat ng empleyado ay nakangiti kaming sinasalubong. Ganun din naman si Mommy, bumabati din sya pabalik. Nakikibati na din ako kahit hindi ako sanay.

Kita ko ang ilang tingin sa akin ng mga emplayado. Para bang nagtatanong ang mga ito, kung sino ako.

Dumako kami ni Mommy sa may gitna nang bigla nya akong patigilin.

"Why Mom?" nagtataka kong tanong rito.

"Shhhh.. " yun lang ang sagot nya sa akin saka sya pamalakpak ng tatlong beses para kunin ang atensyon ng mga empleyado sa loob. Hindi sya nabigo dahil nagsitinginan ang mga ito sa direksyon namin.

She's With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon