RED'S POV
Nakarating ako ng bahay nang halos hindi ako makapaniwala sa mga nangyari. Napahawak ako sa tuhod nang umupo ako sa kama ko sabay dampi ng kamay ko sa labi ko.
That kiss did not scare me at all...
Mula sa pagkakaupo ay nagdaretso higa ako sa kama at tulalang nakatitig sa kisame ng kwarto ko. I did it.. It feels so strange but I'm so happy.
Wala sa sarili akong napangiti, ano ba tong nangyayari sakin.
Maya maya lang ay tumunog yung cellphone sa tabi ko.
Agad akong napangiti nang makitang ang pangalan ni Blue sa screen.
"Hello?"
["Hi Babeee! Nakauwi ka na ba?"] sagot nito sa kabilang linya.
I chuckled, "Yes, halos kararating ko lang."
["Mabuti naman, pahinga ka ng ayos ha. May gagawin ka ba tomorrow?"]
"Yes you too. Wala naman, why?"
["See you at 10 a.m."] aniya na tumatawa pa sa kabilang linya.
Napasimangot ako, "San tayo pupunta?"
Narinig ko syang tumawa. "Magde-date tayo mahal ko."
Napatigil ako bigla sa sinabi nyan. Hinay hinay naman Blue.
"o-okay."
Muli syang tumawa sa kabilang linya, ["Call me babe pleaseeeeee..."]
Ako naman ang natawa. "I'll call you whatever I want."
["Tss.. Suplada."]
"Aba."
["Joke lang babe hahahaha, I love you."]
Tatawa tawa akong napasiring, "I love you too Babe, bye.."
["Hey---"]
Binaba ko na yung linya. Tumatawa kong inilapag yung phone sa side table ko saka bumaba saglit sa may kusina.
"Manang, where's Mom and Sky?" tanong ko kay manang nang makita kong nag aayos ng arrangement ng mga plato sa kusina.
Lumapit ito sa akin, "Hindi ba nagsabi sa iyo? Aba e sinamahan si Sky at may slumber party daw ang mga bata sa bahay ng classmate nya."
Napataas ang kilay ko, "Eh, di ako na-inform."
Tumawa lang si Manang saka itinuro na sa akin ang pagkain.
"Sabay na ho kayo Manang." pag aalok ko.
"Nakakain na kami nina Nica Iha. Ay teka, tatawagin ko si Stella at hindi pa din naghahapunan ang isang iyon." paalam ni Manang saka umalis na.
Maya maya lang ay dumating na si Stella. Di ko muna ginalaw ang pagkain ko para sabay kami.
"Hi" bati nya.
"Tara, kain tayo."
Umupo sya sa tabi ko.
"Ginabi ka ata ng uwi mo. Inaantay kita kanina kasi may usapan tayo na idodrawing mo ko ng skeleton." sabi ni Stella pagkaupo.
Nasapo ko ang noo ko, sa daming nangyari kanina ay hindi ko na naalala yung usapan namin. Saglit akong napangiti nang bigla kong naalala yung kanina.
"oyyy, ano yannn? Bat ka ngumingiti mag isa?" sita nito.
Napawi ang ngiti ko saka tumingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
She's With Me
Teen FictionBook 2 of She's Red. Disclaimer! before reading this book, it would be better if you read She's Red first to avoid confusions :) Ang laki ng mundo, ang dami din ng tao. Ang dami kong nakakasalamuha, yung iba masaya, yung iba malungkot. Ako si Tanya...
