CHAPTER 28

77 7 2
                                    

RED'S POV


Masaya kaming lahat na bumalik sa bahay dahil na-discharged na si Mommy mula sa hospital. It's good na makita syang narito na ulit sa bahay. Labis ang pasasalamat namin sa mga Madrideo dahil sa pag aalaga kay Sky.

"Welcome back Mommy..." Sabi ko sa kanya habang nakaupo sya sa may sala.

Ngumiti si Mommy, "I miss our home."

Lumapit sa amin si Sky saka niyakap si Mommy.

"Mommy, nung wala ka dito, super lungkot ng house." Sabi nito.

Umaktong nata-touched si Mommy saka niyapos pabalik si Sky.

"Of course babalik si Mommy." Tumigil si Mommy saka ngiting ngiti na tumingin sa akin. "Magkaka-apo na ako." Aniya.

Nangiti ako kay Mommy saka nakiyakap sa kanila.

"Mommy, you're not mad at me? Don't you find me still young for this----"

She cut me off, "Baby, that is a blessing. I can't be mad at you, I'm more than thankful."

Ang sarap sa pakiramdam. Sandali akong bumitaw sa yakap saka may kinuha ako sa drawer sa sala na sadyang hinanda ko na. It's my surprise to mommy, yung file na nagpapatunay na muling nabawi ng kumpanya ang posisyon nito.

Itinago ko sa likod ko ang file habang papalapit muli sa kanila ni sky.


"Mom, I have a surprise for you."


Bumaling sa akin si Mommy saka nag aantay akong tinignan. Itinaas ko ang aking kamay saka winagayway yung file, lalong nagkunot ang noo ni Mommy. Lumapit ako sa kanya at tuluyan yong inabot.

Binukasan ni Mommy yung folder at nanlalaki ang mata nyang binasa iyon. Hindi makapaniwalang tinignan nya ako.


"D-Don't tell me you did all these..." She said amazed.

Ngumiti ako kay Mommy saka sunod sunod na tumango.


Napatayo si Mommy, "Oh my God sweetie, I-I'm so proud of you." Aniya saka sinunggaban ako ng yakap.

"Shhhh don't stress too much from now on Mom. I got your back." Sabi ko habang hinahaplos ang kanyang likod.

Humarap sa akin si Mommy.


"You, Sky and your baby are my gems.."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.


Kagagaling lang namin ni Blue sa ob and we're both very happy to know our baby's gender.

Sumakay kaming pareho sa sasakyan saka hindi mapigilang magkatinginan at mapangiti. We're so excited.

These past months, alagang-alaga ako ng mga tao sa amin. Sina Tita Kelly, si mommy at kahit na sina Yn. They really took care of me. I feel like I'm gaining extra weight too.


On the other hand, no one can beat Blue from spoiling me. As in sobra, para syang kabuteng sumusulpot na may dalang kung ano-ano. Purgado ako sa gatas at bitamina.


Hinawakan nya ang kamay ko.


"Ano kayang ipapangalan natin sa kanya?" Biglang sabi nya.

Napaisip ko, "Gusto ko Unique pero ayaw ko ng mahaba masyado, hirap na hirap ako sa pangalan ko e." Sabi ko.

Totoo yon, sa haba ng pangalan ko, ang hassle kapag nag nagta-title block ako. Minsan hindi talaga magkasya.


She's With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon