CHAPTER 33

104 7 8
                                    

BLUE'S POV


"Talaga bang wala ka ng balak sabihin sa kanya to?"


Napalingon ako kay Yn.


Ngumiti ako sa kanya ng kaunti, "Let her be happy. Nasa mabuti na ang kalagayan nya."


Lumapit sa akin si Yn at hinawakan ang balikat ko. Nakaupo ako sa upuan sa harap ng bintana.


"Blue, she needs to know." Sabi nya.


Umiling ako, "It's fine, dont worry too much..."


"Kailan pa? Kailan pa nya malalaman? Kapag w-wala ka na?...."


Tumunghay ako sa kanya. Bahagyang nanunubig na ang kanyang mata kaya napaiwas ako ng tingin.



"Tell her that I died in an accident."



"Pero Blue! We can't------"


"You can Yn. Di mo ba nakikita kung gaano na kaayos ang buhay nya? And that's my last wish.... To see her happy before I die..." napalunok ako.



Umiling iling si Yn saka nanahimik sa isang tabi.





3 years ago, matapos noong araw na makunan si Red, nagpunta ako sa doctor dahil ilang beses na nananakit ang bahagi ng may bato ko. Akala ko UTI lang pero...






May kidney cancer ako...




Parang gumuho ng husto lalo ang mundo ko nang mga sandaling yon. Hindi ko na alam kung paano pa ako magpapatuloy. Hindi ko alam kung paano haharap kay Red ng hindi nanghihina.


Nakatatak na sa isip ko kung anong sakit ang pinagdaanan nya, lahat ng masasamang bagay na nangyari sa kanya ay nasaksihan ko.


Kaya napunta ako sa pagdedesisyon na ang sakit na meron ako ay sarilinin ko na lamang. Dahil alam ko, kapag nawala ako, baka hindi na nya makaya pa.


Idinistansya ko ang aking sarili. Umasta akong isang loko loko. Maski si Andi, kinakutsaba ko.


Nung mga panahong ginagawa ko ang harap harapang panloloko sa kanya, para din akong dinudurog kapag nakikitang nasasaktan sya.




I chose to hurt her in order to save her from any worse pain.



Hindi naging madali sa akin ang magpanggap na para syang invisible. Lalong hindi naging madali yung araw na tinapos ko ang ugnayan naming pareho.


Hindi payag sina Mommy sa gusto ko ngunit ipinilit ko ito, dahil ito ang death wish ko.


Noong nalaman kong may sakit ako, desidido akong makipaglaban para gumaling ngunit nang sabihin ng doctor na stage 4 na, nawalan ako ng pananalig sa sarili ko.


Pinilit ko lang makatapos ng third year bago ako tuluyang nagpa-admit sa hospital para sa permanent treatment.


Iba't ibang klaseng medical sessions ang napagdaanan ko.
Surgery, immunotherapy, radiation therapy at chemotherapy. Lahat may kanya kanyang side effect.


Dadating ang mga panahong sumisigaw ako dahil sa sakit, nawawalan ako ng boses o kaya naman hindi na makagalaw.


Noong unang taon ng pagkamatay ng anak namin, alam kong pupunta doon si Red kaya inantay ko sya buong araw noon. Hindi ako nabigo dahil dumating sya noong hapon.


She's With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon