Book 2 of She's Red.
Disclaimer! before reading this book, it would be better if you read She's Red first to avoid confusions :)
Ang laki ng mundo, ang dami din ng tao. Ang dami kong nakakasalamuha, yung iba masaya, yung iba malungkot. Ako si Tanya...
Maaga akong nagising, anong gagawin ko? 6 a.m. pa lang e.
I sighed, di na ako makabalik sa tulog.
I remember the events kahapon when I finally had the courage to tell everything to Tanya. It felt good actually because I don't need to pretend.
Thankfully it's saturday and wala kaming pasok at makakapagpahinga ako..
Nanatili akong nakahiga pero nakamulat at nakatulala sa kisame. I sighed heavily, I remember Blue and I remember how much I feel bad seeing us this way.
We had a peaceful goodbye but we also had a tragic reunion.
Should I at least talk to Yn na? She's still clueless.
Nanatali akong ganon for about an hour, nakatingin lang sa kisame, tulala, nag iisip at nagpaplano ng dapat gawin.
I took my phone at nag dial ng numero.
After few more rings, she finally picked it up.
"Hello?" bakas sa boses nito ang antok marahil ay nagising ko sya.
Napabungisngis ako.
"Hellooooo?" Muling sagot nito nang hindi ako magsalita.
I sighed. "Wanna see me?" Kalmado kong sabi habang naka ngiti.
"W-what the...... RED! IS THAT YOU RED!? oh my God!" Aligaga nitong sabi.
Natawa ako dahil sa reaksyon nya. Walang pagbabago.
"Yes, it's me Yngrid." Pilya kong sagot.
"Anak ka ng pucha! HOY BAKIT DI KA NAGSABING ANDITO KA NA!?" Malakas na sagot nya sa kabilang linya.
Nailayo ko yung cellphone sa tenga ko at napangiwi. Grabe talaga to, mas lalo atang lumakas ang boses ah.
Tumawa ako, "Let's meet later." Sabi ko rito.
"Ngayon na!" She insisted.
Natawa ako, "Mamaya--"
She cuts me, "Asan ka ba?" She asked excited.
"Asa bahay."
Tumawa sya, "Punta na ko dyan, bye!"
*toot *toot *toot.
Nagulat ako nang ibaba nya ang linya pero after that ay natawa na din ako sa inasal nya. But honestly, I'm excited to see her but I'm really nervous.
And because I know Yn is a stubborn lady, malamang maya maya lang ay sumulpot na sya bigla sa bahay kaya tumayo na ako para mag shower.
Nang matapos ako sa panliligo ay humarap ulit ako sa salamin at tinignan ang likod ko. Kagaya nung sabi ko noong una ay tinakluban ko na ang mga pilat ko dahil pina tattoo ko ito. Yes I did it, I feel more comfortable this way kung saan hindi ko na nakikita ang mga pilat ko.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.