CHAPTER 26

79 8 0
                                    

BLUE'S POV

Red and I decided to stay the night sa bahay niya, most specifically ay sa kwarto nya. Ang sarap ng ganito, na paggising ko ay sya ang katabi ko.

It's only 7 a.m. and it's saturday. I called Mom na sasamahan ko si Red but they didn't know na literal na magkasama kami sa iisang kwarto. I will tell them about this, I'm excited and nervous at the same time. They might be disappointed but ilalaban ko to. Magiging pamilya na kami ni Red.

Binalingan ko ang hanggang ngayon ay mahimbing na natutulog na si Red. I kissed her forehead saka tumayo na at naghilamos bago bumaba sa kitchen nila.

"Uy Blue, good morning. Aga mo ah, si Reign?" bati sa akin ni Stella pagbaba ko.

Nginitian ko sya, "Tulog pa. Pwede bang makielam dito sa kusina? Ipagluluto ko sya ng breakfast."

Nakangiti akong binalingan ni Stella, "Pagka-sweet naman ah. Sige lang, kung breakfast in bed yan, naandito sa baba ang tray. Nasa kabila naman ang mga seasonings." Aniya habang itinuturo sa akin kung saan nakalagay ang mga gamit.

Tinanguan ko sya, "Salamat."

Umalis na si Stella at noong maiwan ako roon ay saka ako nag luto. Blueberry pancake with bacon and milk lang naman yon. She needs to be healthy. Napangiti ako, wala pa man ay excited na akong lumabas ang baby namin.

Nang matapos ako roon ay kinuha ko yung tray na tinuro sa akin ni Stella saka naglakad ulit pataas. Haaayyy third floor yung kwarto ni Red, sa tingin ko ay mas maigi kung lumipat muna sya dito sa first floor.

Pumasok ako sa loob ng kwarto and there she is, payapa pa ding natutulog. How can she be so pretty...

Umupo ako sa kama sa tapat nya saka hinaplos haplos ang buhok nya. I kissed her forehead, i kissed her nose, I kissed her lips. Napangiti ako nang bigla syang magmulat.

"Good morning..." bati ko rito.

Nginitian nya din ako pabalik, "Good morning, I love you..." Bati nya pabalik.

Halos abot tenga ang ngiti ko sa kanya nang sabihin nya yon. Agang aga, pinapakilig ako masyado.

"I love you more." sabi ko at muli syang binigyan ng halik sa noo bago tumayo at ilagay sa harap nya yung tray na may pagkain.

"Pancakes for my sunshine." Sabi ko rito paglapag.

Tinignan nya ako ng sinsiro, "Thank you Babe.." aniya.

Ni-tapped nya yung kama na animo'y sinasabing tumabi ako sa kanya. Umupo ako roon saka ipinaggayat sya ng pancake at sinubuan ito.

"It's good." Papuri nya.

Naggayat din sya ng kanya na sya naman nyang isinubo sa akin.

Mmmm. Masarap nga.

"Babe... Pwede bang magpahinga ka muna sa kumpanya since na-settle mo naman na yung problema?" Biglang sabi ko.

Nag aalala lang naman ako. She's pregnant and she shouldn't be stressed. Stressful na nga sa school, what more kung isinasabay nya pa yung kumpanya.

Hinawakan nya ang braso ko at inalo-alo iyon.

"Don't worry, I talked to Vaughn about it. He'll handle things muna along with Ate Maria." Sabi nya.

Nagliwanag ang mukha ko, "Mabuti naman kung ganun."

Hinawakan ko ang tiyan nya, "Hi baby, ano ka kaya? Babae o lalaki?" sabi ko rito na akala mo naman ay sasagot ito sa akin.

She's With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon