CHAPTER 24

112 7 0
                                        

RED'S POV

Lumipas ang holidays na ang kasama namin nina Mommy sa pagse-celebrate ay ang pamilya ng mga Madrideo.

Nai-settle namin ng maayos ang mga hindi pagkakaunawaan at simula noong araw na iyon ay hindi na muli pang nagpakita sa amin si Nadine.

Napuno ng gala at luho ang bawat araw namin ni Blue. Gagala dito, gagala dyan, kung saan saan na kami nakarating. He likes surprises, minsan magugulat na lang ako na kung anong dala nya.


At ngayon may dalawang araw pa kami bago magsimula ang second sem.


"Ingat ka okay?" sabi sa akin ni Blue pagbaba namin ng sasakyan.

I smiled at him, "Yes Babe... See you later."

Lumapit sya sa akin at hinalikan ang noo ko.

"See you.." Aniya saka ngiting ngiting nagpaalam.

Nang makaalis na sya ay tuluyan na akong tumalikod upang pumasok sa kumpanya. Bukod sa pag-gala kasama si Blue ay halos dito din ako naglagi noong bakasyon. Madami na din ako natutunan ngunit alam kong marami pa din akong hindi nalalaman.

Nang makapasok sa loob ay agad akong binati ng mga empleyado. Kakatuwang yung mga empleyadang nagparinig sa akin noong unang araw ay syang mga naging kasundo ko ng husto.


"Rea, anong oras daw free si Miss Maria?" agad na tanong ko pagdaging doon.


"Aga mo Miss Red, mamayang 11 a.m. gusto daw ho nya makipag-lunch." Sagot nito sa akin.


Ngumiti ako sa kanya, "Okay sige, pakidala sakin yung file ng proposals."


Nakangiting tumango si Rea saka ako nagderetso sa loob ng opisina.

"Good morning." Agad na bati ko kay Vaughn pagpasok sa loob.

"Aga mo ah." Aniya.

Nginitian ko sya saka nagderetso sa table ko at inayos ang dala kong gamit.

"Magchecheck ako ng proposals bago makipag meet kay Ate Maria." Sabi ko rito habang nag oopen ng ibang folder.


Tumango-tango sya.

"Close kayo?" biglang tanong nito.

Bumaling ako sa kanya at tumango. "Oo, kaibigan ko sila. Ba't mo natanong?"


Umiwas sya ng tingin saka naghawak sa batok nya, "W-wala.."


Napangiti ako ng lihim, I smell something fishy there.

Hindi na ako nang-usisa pa saka nagtuloy sa pagbo-browse ng mga files. Maya maya lang ay dumating na nga si Rea dala ang folder na naglalaman ng proposals.

"Thank you."

Tutok na tutok ako sa aking ginagawa. May ilang bagay akong kinukwestyon sa proposal na iyon. Posible ito ngunit sa tingin ko ay hindi magiging in demand ang mga ito.

"Iced coffee." biglang ipinatong ni Vaughn ang baso ng kape sa lamesa.

Tumunghay ako sa kanya, "Thank you."

Umupo sya sa upuang katapat ng lamesa ko.

"How was it?" aniya sabay turo sa folder.

I sighed. "Quality is great yes. But I don't think if the usage is necessary. Plus the cost, for me it's unreasonable. If upgrading the engine is the target, why not focus on the motor? They're proposing a more reliable energy but they didn't even consider the watts of the charging process, lalo lang magko-caused ito ng hassle. " dere-deretso kong kumento.

She's With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon